Saturday, October 29, 2011

si Rain, si Ate Venus, at ang Glutathione

last Wednesday, holiday dito sa Singapore kaya naman hindi nagpapapigil si Ate Venus para rumampa at ipakita ang kanyang dancing prowess sa gimikan..

ika nga niya,

"mga teh, sayang naman ang chance na pwede magpuyat kasi walang pasok bukas..kaya't isuot na ang crowns, sash at mga evening gowns, iwan na ang scepter at cape, at gumora na with me..!"

ngunit since domesticated beauty queens kami ni Ate Shamcey, ay we chose to stay at home and mag gantsilyo na lang..char!

pero bago pa man maghasik ng lagim si Ate Venus sa gimikan ay nagpaschedule muli siya sa aming nurse / landlady (Ate Che) upang magpa-inject ng miracle drug na itatago natin sa pangalang, glutathione..

hindi naman actually maitim si Ate Venus, gusto lang niyang mawala ung blemishes niya sa skin at siyempre nais niyang pumuti ng kaunti..kaunti lang talaga promise..

The 16-year-old Ate Venus

actually, last week nagpa-inject na siya kay Ate Che ng dalawang drum ng glutathione..one shot lang and ayun, pasok na sa banga..

since concentrated talaga ang dark tone sa skin ni Ate Venus, ay pumunta ulit siya sa aming baluer dala ang kanyang paraphernalia para muling magpa-inject..

unfortunately, me birthday party na pupuntahan si Ate Che that night..paalis na nga sila ng kanyang asawa nung dumating ako sa baluer..

ngunit sadyang pinagpala lang talaga si Ate Venus sapagkat, darating pala si Rain nung gabing iyon para bumisita at makiovernight..

tila alam na din ng aming landlady ang mga kaganapan, kaya't ibinilin na lamang niya kay Rain ang pag-inject..

nang malaman ang magandang balita, dagling nagsuot ng Vera Wang creation at sumaglit sa parlor si Ate Venus para ipablower ang kanyang hair bago pumunta sa bahay..excited at nagtutumalon siyang dumating sa amin..

Si Ate Venus habang papalapit sa aming baluer

sapagkat ito na ang pinahihintay nyang pagkakataon..


ang pagdadaupang-palad nila ni Rain..


si Rain..


si Rain na walang malay..


si Rain na guwapo at inosente sa aming pagnanasa..


si Rain na ang tanging kasalanan ay maging masarap at masustansiya..


hihi..


nung huling nagpa-inject si Ate Venus kay Ate Che ay mabilis lang..hindi nga siya nasaktan o kinabahan man lamang..walang preysuyr na nadama..

samantalang ngayon, ay todo ang kabog ng kanyang dibdib..mas kabado pa siya kesa nung kumuha siya ng HIV test sa hospital..chos!

inihanda na ni Rain ang mga gamit..pinaghalo ang mga gamot..relaxed naman si Rain habang ginagawa iyon..samantalang si Ate Venus ay di mapakali sa kanyang pag kakaupo..

simula na ng pag-inject..

tumuwad na si Ate Venus kasi ipapasok na ni Rain...ang karayom..chos!

nilagyan na ng tourniquet ni Rain ang kamay ni Ate Venus..

"hinga ng malalim.." sabi ni Rain sabay turok ng daliri sa waputs ni Ate Venus.

char!siyempre ung karayon sa ugat noh!

Si Rain, Si Ate Venus at ang Glutathione

hindi nakatingin si Ate Venus sa ginagawa ni Rain..habang nakahawak ako as isang kamay niya ay nakita ko ang butil-butil na pawis niya sa kanyang noo.

"hoy Ate Venus!shuket kung pag pawisan ka ngayon eh parang daig mo pa ang bino-bottom ng limang lulurki ng sabay sabay?? eh nung ke Ate Che wit ka naman ganyan!" sabi ko sa kanya.

"che!chosera!siyempre si Rain ang nag-iinject noh..preysured akez!at parang masakit siya..kulang ng lubricant ata..chos!" sagot naman niya sa akin.

"masakit ba..?" tanong naman ni Rain na tila narinig ata ang nasambit ni Ate Venus.

"medyo.." mahinang sagot ni Ate Venus habang nakatitig sa mga malalaking maskels ni Rain..hihi

tiningnan ni Rain ang ininject niya..


naputol pala ang karayom at naiwan sa ugat ni Ate Venus..


chos lang!


tila may mali atang naganap..


kayat tatangalin na lang daw muna niya..


tama nga ang aming hinala..mayroong hindi tama sa pag-inject ng karayom..hehehe kaya't me take two..

"hinga ng malalim.." sambit muli ni Rain sabay ng pangalawang pagturok nya ng injection sa ugat ni Ate Venus.

this time sakto na, pasok na pasok..at dahan dahan namang pinu-push ni Rain ang diluted glutathione na nasa syringe..

marahil ay na-pressure lamang si Rain sa kalandian kaharutan pang aasar namin kay Ate Venus..kaya't namali siya sa unang subok nya..pero kahit naman ilang mali pa yun keri lang yun ke Ate Venus basta't si Rain ang hahawak sa kanyang mga kamay..hihi

matapos ang agaw-buhay na pag-inject ng glutathione, ay siya namang pag interview namin ni Shamcey kay Ate Venus..


"ateng, aning nangyari?keri naman ba ang pag inject ni Rain sau?"

"mga teh..anlambot ng kamay niya..sarap hawakan..ayeee..hahahah..at ang dibdib nya, amputi puti sarap sigurong dila-dilaan.."

well obviously, nagenjoy naman siya sa pag-inject sa kanya ni Rain kahit na masakit..marahil, kahit ilang beses pang magkamali si Rain eh okay lang sa kanya..

di alintana ang sakit..basta't sa ngalan ng pagpapaganda at sa ngalan ng paglalandi..

at sa tingin ko mas mag eenjoy pa siya if ibang injection ang ginamit..sa isang katulad ba naman ni Rain at sa landing taglay ni Ate Venus..perfect combination..hhihi

anyway, hindi pa naman nagtake effect ung glutathione sa balat ni Ate Venus..sadang mapait lang siguro ang tadhana niya sa kanyang Jinky Oda-inspired na balat..chos!

balitaan ko na lang kayo if pumuti na siya at pumantay na ang skin tone nya..kung kelan pa yun, well, ahmm..hahaha..

abangan na lang..hihi

Thursday, October 27, 2011

si nurse jay, part 1

ayon sa naarok ng aking mga beki brain cells, sa yahoo chatroom ko ata siya unang nakilala..dun ko siya unang nakausap..

kung hindi ako nagkakamali, november 2009 kami unang nag landian nagkachat..

isa siyang nurse na graduate ng isang kapita-pitagang paaralan sa Maynila at nag tra-trabaho sa probinsya nila sa Bataan..

magkasing edad lang kami ni Nurse Jay..sweet 16 ako nun, 17 naman siya..char!

sa kabila ng pagpapalitan namin ng cellphone numbers dati ay hindi ko siya nagawang i-text or tawagan matapos ang matagal naming pagkkwentuhan sa chat..

nag alinlangan kasi ako nung makita ko ung picture na sinend nya sa akin..

Nurse Jay
iyan ang mismong larawan na sinend niya sa aking nung nagkachat kami..

hindi ako agad naniwala sa kanya dahil gwapo, matangkad, maputi, at halos artistahin naman pala ang kausap ko..

sa katulad kong sing ganda lang ni Athena Imperial ay hindi agad naniwala..(tong ganda kong toh makakabingwit ng ganyang nilalang??weh??!chos!)

inisip ko na lang hindi sa kanya ang picture..baka ginamit lang nya upang linlangin ang kagandahan ko at nagpapanggap..

makalipas ang dalawang buwan, muli kong nakita ang number niya sa aking 5110 Nokia cellphone with my lavender housing..


sinubukan ko lang itext siya para malaman if meron pa yung number na iyon at hindi nga ako nagkamali..gamit pa rin niya iyon at nasa Maynila pala siya at nagrereview ng IELTS..

muli kaming nagkausap thru text simula ng araw na iyon..nanumbalik ulit ang saya at kilig na aking nadama nung una kaming magkausap sa chat..


oo na-wet ako..chos!

mabait kasi siya, at unlike sa iba, hindi siya yung tipong binabalot ng kalandian sa katawan..

gentleman..

bagay na bagay sa katulad ko..

kimi at mayumi..


puro at dalisay..

 
dahil naubusan ang Mercury Drug ng Katialis, ay inaya ko siyang makipag meet sa akin sa Mall of Asia..buti na lang at hindi siya tumanggi sa alok ko..(ang ganda ko kasi..hihihi)

since shy ako (promise!shy talaga ako noh!!)  at hindi ako sanay sa mga meet ups, eyeball, sex eyebal, etc. ay nagpasama ko sa aking kaopisina..

sa Mcdo ang aming napagusapang tagpuan..

at habang hinihintay siya ay umorder muna ako ng fries..

hanggang sa tumunog ang aking cellphone at nagtext na siya..

"4nd!t0uw n4 p0u 4k0uhz..4s4n k4?"

kinabahan ako bigla..

tumingin ako sa paligid upang hanapin siya at mula sa kalayuan ay nakita ko na siyang naglalakad..


shet..


hindi nga nagsisinungaling ang larawan..


siyang siya mga ateh..


5'9"..


matipuno..


maputi..


guwapo..


suot ang itim na Kenneth Cole na t-shirt, ay nakangiti siyang lumapit sa aming kinauupuan..


hindi kinaya ng Carefree Ultra Thin panty liner ko ang aking nakita..sumaglit muna ako sa sa Watsons at bumili ng Modess All Nights at dagling nagpalit ng shield..hihi


hindi ko pa sinasabi ay tila alam na ng kaibigan ko ang gagawin, at nagpaalam na upang bigyan kami ng privacy sa aming sex eyeball meet up.

inaya ko siyang kumain sa isang grilled burger fastfood (sorry hindi ko na matandaan ung place pero ung brand ng damit nya natandaan ko hehe siya kasi ung focus kong kainin hindi ung inorder naming pagkain hihi)..

nagkwentuhan kami na parang matagal na kaming magkakilala..tungkol sa trabaho, pamilya, at sa aming future bilang mag sing-irog..hihihi

Nurse Jay tawag ko sa kanya, Engineer Athena naman ang tawag nya sa akin..hihi

ang saya ko ng gabing iyon..panay ang hawi ko ng aking bangs habang nagtatawanan at nagkukulitan kaming dalawa..


ngunit hindi ko pwedeng talunin si Cinderella kaya't bago pa sumapit ang alas-dose ng gabi, umuwi na rin kami..

ng magkahiwalay..oo mga ate, wholesome ako that night..

di tulad ni Cinderella ay wala akong naiwan na glass slippers..ang naiwan ko ay ang plastic ng Watsons na laman ang bagong bili kong Modess All Night pad..

sumakay na ako ng karuwahe at umuwing nakapikit at puno ng ngiti ang mga labi..

iniimagine ko kasi kung makukuha ba niya yung Modess All Night at pupunta sa aming palasyo upang isukat ito sa akin..hihihi



itutuloy...

Sunday, October 23, 2011

pepper grindr

is the logo familiar?

nakatago ba yan sa mga innermost folders ng mga cellphone apps nyo?

if your answer is a big YES, well then, it might only mean one thing..member ka din ng Paminta Group of Bekis..hihi

"Grindr"

most discreet guys use this iPhone application to cruise guys near their area. parang gaydar lang to na me GPS installed kasi it tells how near or far you are located from another pamintang beki..it simply defines the accessibility of a potential booking..hihi

here's a typical Grindr conversation:

and the rest is history hihi..sa amin na lang yun ni kuya..hihi

anyway, recently i wondered about the name of the application, Grindr.

Grinder less the letter "e"...

Pepper Grinder??!!

(please read the following statement in a "kolehiyala-with-braces tone")

"is it because we, paminta, use Grindr so that we can go out of our closets and discreetly flirt with other guys in the same manner na ung pepper grinder will make durog the pepper para lumabas yung tinatago nitong anghang at bango??"

me point ako di ba?baka naman Pinoy ang co-founder ng application na to..hihihi

sabi nga ni Miss Divine Lee in one of her Divine Interventions segment sa Beckynights Podcast,
"girl, since paminta ka naman at hindi mo pa kayang lumabas sa aparador mo at gusto mong maglandi, aba eh mag-Grindr ka na lang muna.."

pepper grinder
hmmmmm..makes sense right?..






Friday, October 21, 2011

beauty queens

sa tuwing lumulubog ang haring araw mula sa kanyang pagtikas sa kalupaan ng Singapore ay siya namang hudyat ng paglitaw ng mga sequins ng mga gown naming magkakaibigan na daig pa ang kislap ng mga bituin sa kalangitan..

sapagkat...

kami ay mga inhinyero sa araw..ngunit mga beauconera sa gabi..hehehe

presenting, the reigning beauties..hihi

The Beauty Queens in Universal Studios Singapore
L-R: Shamcey, Venus, and Athena
(nasobrahan lang ng usok hehehe)
katulad ng marami, kaming tatlo ay mga diwatang pilit nagkukubli ng mga maririkit na pakpak sa aming mga matitipunong pangangatawan..

nagkakilala kami sa dati naming kumpanya sa Pilipinas..lahat kami ay mga inhinyerong sibil..ito ang aming propesyong pinili dahil kami ay mahihilig sa pag-erect ng mga imprastraktura..kung hindi nyo naitatanong, magagaling kami sa pagsukat sa mga matataba, matitigas, at mahahabang bakal that are being used in the construction..expert ata kami dun noh!hihi


Pol a.k.a. Venus
siya si Pol (hindi niya tunay na pangalan), a.k.a. Venus Raj (kulay pa lang hindi na maiikailang vumi-Venus na db?).

siya ay mula sa lupain ng tocino at longganisa, Pampanga. at sa aming tatlo, siya daw ang pinakamaganda..pero since blog ko to, siya ay pumapangalawa lang sa akin..chos!

nauna siyang lumisan sa Pinas at naunang naglandi dito sa Singapore..in fairness, dito pala siya bebenta!aim nya kasing talunin ang bilang ng members ng United Nations sa mga matitikman nyang lahi..at ayon sa aming talaan, Bosnia and Herzegovina, Mozambique, at Djibouti na lang ang hindi niya natitikman..hihi


Ian a.k.a. Shamcey
eto naman si Ian (hindi niya tunay na pangalan), a.k.a. Shamcey Supsup.


klasmeyt ko na siya nung college pa. siya naman ay mula sa probinsya ng Isabela, at mula sa angkan ng mga kapita-pitagang guro. siya ang pinakaconservative sa aming tatlo. ngunit sa kabila ng wholesome image niya, nagtatago ang sikreto ng kanyang makamundong nakaraan..mga sikretong sa amin lang niya ibinunyag ni Venus..dati pala kasi siyang pornstar sa playboy magazine..(siguradong mahihiya si Tetchie Agbayani sa kanya noh)


Astroboi a.k.a. Athena
at ang pinaka natatangi sa lahat ay ang inyong abang lingkod, si Astroboi a.k.a. Athena Imperial.


sa lahat ng kalbo, ako na yata ang laging may mahabang buhok..hehehe ako naman ay natatanging dilag ng Pangasinan. kami ni Ian ay sabay na umalis sa Pinas at nagpunta dito sa Singapore..halos dalawang buwan na kaming nagwowork at talong buwan naman ang paghahasik namin ng lagim sa mga sulok sulok ng Singapore..hehehe

in fairness, me sari-sarili naman kaming field of expertise, merong top, bottom, and versa (kau na lang bahalang magdesignate kung kanino ang korona ng bawat titulong yun hihi)..

si Shamcey ay kasama ko sa bahay at sa kuwarto, samantalang si Venus ay kapitbahay lang namin (ngunit lilipat na siya sa ibang lugar by the end of the month kasi natikman na daw niya lahat ng mga koya sa aming neighbourhood..hihi kami naman daw ang next na tumikim lol)

anyway, nais ko lamang silang ipakilala sa inyo upang lalo nyong ma-digest ang tunay na kahulugan ng KAGANDAHAN..

'coz we are the living proof of the existence of the perfect combination of beauty and brains, bar none..

chos!

rain rain please don't go away

more than one month pa lang kami ng kaibigan ko sa HBD Flat (Housing Development Board Flat) na nilipatan namen. our unit is at the 12th floor. it's a 3-bedroom unit. sobrang laki ung sala namin. pwede ka ngang mag bike sa loob eh kahit na me dining table at sofa set pa siya!bongga db?



                                     ito yung HDB Block namin hihi (from google map)

anyway, 8 kami sa unit. kaming tatlo ng mga kaibigan ko (we all came from the same company sa Pinas isang girl and isang tulad ko din na dito lang umamin hehehe). then sa isang room 3 guys (just the average-looking guys hindi masyadong masustansiya hihi) and ung sa master's bedroom dun ung main tenant namen na mag asawa, si ate at si kuya.

si ate ay mayroong pinsan, si Rain.

minsan na siyang dumalaw sa aming unit at dun natulog. since magpinsan naman sila ni ate so, dun siya nagstay sa master's bedroom.

nung una siyang dumating sa aming unit at pinakilala samen ni ate, lubos ang kaligayahan na aking nadama ate charo. mas mabilis pa sa mga bus sa edsa ang naging pagpintig ng aking busilak na puso. hindi ko lubos maisip na dadalhin pala ni ate ang taong papakasalan ako at papaligayahin habangbuhay. hindi ko napigilan ang aking sarili at napayakap kay ate at dagli kong binulong sa kanya...

"salamat hipag..."

chos!

si Rain ay matangkad, maputi, makinis, hubog-kalikasang katawan at sadyang pinagpala ng kagwapuhan. i can vividly remember, he was wearing gray v-necked bodyfit na sweatshirt, black slim fit jeans, and espadrille ata na shoes. very manly yet very beki..hehehe

FYI: accdg ke ate, Rain used to be a print ad model sa Pinas

naoverwhelm ako nung una ko siyang nakita ngunit mayroong namuong pagdududa sa akin. dali dali kong binuklat ang aking bekipedia at binuksan ang pahina 69.

rule no 12: gym fit na katawan. - CHECK!
...
rule no. 43: mahilig sa body fit na damit. - CHECK!
...
...
rule no. 67:  updated sa latest trend ng fashion. - naka-espadrille..CHECK!

at hindi nga ako nagkamali..hehehehe

kaya nga natutuwa kami ng kasama ko sa room pag dumadalaw siya..hehehe.. in fairness, Rain seems to be kind and friendly. kaya nga gusto namin siyang maging friend (landi lang namin hehehe).

other Rain Facts:
- he works here in Singapore as an OR Nurse
- he used to be overweight before
- he loves swimming (kaya dun siya pumayat)
- he doesn't eat rice sa gabi
- he's versa top (chos lang!)hahahaha

anyway, gusto kong ilagay yung picture nya dito from facebook kaso i can't edit the photos para sana gawin ko namang blurry..hihih next time na lang..

more Rain to come!hehehe



majulah singapura!

i have been working here in Singapore for the past..errrr...ammm...1...2...3...oh yes, for the past two months..antagal ko na noh?chos!


and so far (lets just assume na credible na ang two-month stay ko), i enjoy staying working here. its clean, safe, and everything else seems to be in order..kahit mga mga puno at halaman eh meron atang sinusunod na policy kung ilang branch at dahon ang dapat sa kanila ay tumubo..and halos lahat ng vacant land nila eh me grass..greenier pasture nga talaga dito..literal!hehehe



"Attention please. if you see any suspicious-looking person or article, please inform our staff or use the communication button on the side of the train doors. Thank you."

transportation is very accessible and very convenient ang magtravel..people are very diciplined (especially sa mga MRT's). people really wait for the passengers to alight first before they board the train. and one thing that really amazed me is yung mode of payment nila sa fare..they call it the EZ-Link card. its a prepaid card that you can use to pay fares sa MRT's and even buses. ita-tap mo lang siya pag pasok at pag labas mo then aun na..!wala na yung mga konduktor sa bus na sumisigaw ng "ticket ticket lang po!"



"auntie, i'll one minced meat noodles having here!"

food is quite expensive if icoconvert mo sa peso but if you are working here na, its cheap naman. mahilig sila dito sa mga spicy 'coz most of the citizens here in Singapore are Chinese and Indian (im getting used to eat curry of all kinds na). but some food are masarap naman actually..kakaiba pero okay lang..(i still miss pinoy food though). yung mga canteen/karinderya dito, they call it Hawker Centre / Coffee Shop. para lang siyang place na madaming  nagbebenta ng food, parang food court ba. they cater different food for different culture.


"ni hao ma!"

the locals here are not that friendly (i think so). pero hindi naman sila nananakit or anything. maybe hindi lang sila tulad naten sa Pilipinas na iba ang treatment sa mga foreigners. in terms of work ethics, i think they have the superiority complex attitude towards FT's (Foreign Talents). good thing, okay mga workmates ko dito sa work. anyway, me tao din pala na amoy sibuyas na nilagay sa ref and i bet alam nyo na kung sino ang mga yun. in fairness talaga, kahit malayo sila maamoy mo..nanunuot sa ilong!but it's quite offensive daw if magtatakip ka so its either endure the scent until you get used to it or lumayo ka na lang. hehehe

generally, maganda ang Singapore. very convenient dito kahit na mataas ang cost of living, worth it naman ang pag stay. i give credit to the government of this country 'coz they are really aiming to provide their citizens the best facilities and service.

sana ganun din tau sa Pilipinas.

sana lang naman hehehe...




Thursday, October 20, 2011

first time

aammmm...

in fairness im running out of words and wala ako maisip na sabihin sa aking first blog entry..hmmm

siguro i'll just a give you a  little background about my dream of becoming a blogger..(i'll make it short, promise! since alam ko namang least favorite nyo ang mga subjects and topics about history, at mas gusto nyo ang topic about sex..hihi)

it all started when my friend in Singapore, some time around 2009, told me about the blog of Soltero (i know some of you have read about his sexcapades blog entries). sobrang natuwa ako sa mga kwento niya and after reading his latest blog entry i went back to his first ever entry and started reading until matapos ko ang buong kasaysayan nilang magbff..(yes binasa ko lahat mga teh hehehe)

disclaimer: wala akong naramdamang init nung binabasa ko ang mga kwento nya...chos!

that's the time din na i discovered na madami pa palang bloggers na mga PLU's..(oo ate charo, inaamin ko lalake po ako, ngunit katulad ng iba ang lalaking ako ay naglaho isang araw at isang diwata ang nanahan sa aking katauhang lalake..)

i came across different blogsites like yung kay Papa Pilyo, Soul Jacker, Bohemian Rhapsody, Miss Chuniverse, etc. and since then, namulat na ako sa mundo ng kahalayan blogging..but i also read Rated GP  blogs like MommyFleur, ProfessionalHeckler, Chuvaness, etc.

i've dreamed too of having my own blogsite pero parang hindi ko kayang tapatan mga entries ng mga fellow bloggers (at fellow bloggers???kakaumpisa pa lang fume-fellow bloggers na aketch!!hihi)..kaya i ended up as a reader na lang..

anyway, ngayong umaga lang, Mugen (Soul Jacker), upon reading my tweet about missing Miss Chuni's entries, thought na blogger din ako..and i told him na reader lang ako but i have dreams of having my own blog too..and to cut the story short, he convinced me to try and..

TANAAAAANNN!!!

me blog na ako! (hindi ako excited..hehe konting pilit lang eto me entry na ako!) at andami ko na palang nasabi hehehe..

so that's the brief history how it all began...and i hope i can sustain to publish entries that would keep you reading my blog..

cheers!