Showing posts with label funny. Show all posts
Showing posts with label funny. Show all posts

Thursday, August 09, 2012

stuttering

An Anecdote:

minsan isang gabi, naglalakad ang mga reyna; ako, si Venus, and Shamcey pauwi sa aming baluer..we are listening to the live version of Love Takes Time ni Mariah Carey sa youtube..

-----oO0Oo-----

bridge:
You might say that it's over
You might say that you don't care
You might say you don't miss me
You don't need me
But I know that you do
And I feel that you do
Insaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyydddddd...!

Venus: "O hayan na yung whistle, pakinggan nyo mabuti live yan teh..!"

Athena: "Hay hay, magbigay pugay kay Aling Mariah, magsitigil tayo sa paglakad please..?!"

Shamcey: "Wow ah..kelangan tumigil talaga?!"

yes mga ateh, we really froze in the middle of the sidewalk and we closed our eyes as we listened sa ever-famous na whistle ni Mariah..hihi 
#bekimoments

-----oO0Oo-----


love namin ang music..

musically inclined beauty queens kasi kami hehehe

especially yung mga E5, F5, F#5 at mga G5 notes na effortless binibirit ni kumareng Regine at ni aling Mariah..hehehe

pero siyempre, mas bet ko pa din yung mga cut, uncut, pinkish, veiny, long, and hard notes..hihi #alamnyonayan 

anyway, since and inyong abang lingkod, Athena, ay narito na sa Singapore, dapat ay peg pa rin ang pakikipagkaibigan sa mga ibang lahi.

hindi natatapos sa Miss Earth Pageant ang aking Miss Congeniality spirit..hehehe

Thanks to Venus at nakilala namin si Mohammad Rizuan Bin Rashid, 25, Singapore!

He is Malay, muslim, stands 5 feet 4 inches tall (half inch lang difference namin..hihi tangkad namin noh? char!), singer, dancer, and an artist..

oo nasa una siya sa pila nung nagsabog si Fairy Godmother ng talent..maaga nagising..hehe

well nasaan ako that time?andun din ako..wala ako sa pila noh..!

organizer na ako nun..usherette lang ang peg para maayos ang distribution hihi

anyway, i just wanna feature his video that i uploaded on youtube..hehe

here watch nyo hihi..


bongga lang db?! ateng Jessica Sanchez ang peg!hihi

im still asking him na gumawa pa ng ibang covers.. by the way, he can also sing tagalog songs..hehe ill be featuring him again pag me new videos na..hehe #fanatic

FYI: gumawa din ako ng cover dati..yung mababa lang na song kasi baka walang mag view pag di ko na sustain yung high notes..

What kind of Fool I am and kinanta ko dun..oo ganun kababa..

inupload ko din yun sa youtube noh..

kaso di ko na mahanap ngayon..

nablock pala yung video..

tagged as "Offensive and Explicit" ang aking creation..!

ibang mic kasi ang gamit ko nun eh..hihi #alamnyonayun

but wait!there's more!

hihi

the next thing i know naka 86,342 views na siya..at me 5 stars na rating..!

pero wit sa youtube nyo makikita..

try nyo isearch na lang sa xtube..hihihi

title?





"Athena What Kind of Fool Cover with cumshot"




hihihi

chos!


Monday, December 26, 2011

MMK "Regalo"

Dear Ate Charo,

Itago nyo na lamang po ako sa pangalang, Miss Water 2011. Isa pong karangalan para sa akin na mailathala sa inyong programa ang aking liham-kasaysayan.

Nagsimula po ang lahat noong ika-labing walo ng Disyembre taong 2011.

Nalalapit na noon ang aming naitalagang pagtitipon sa opisina para sa isang maliit na piging bilang pagdiriwang sa nalalapit na kapaskuhan. Noong araw po na iyon ay bumili ako ng regalong aking ihahandog sa kung sino mang makakapili nito.

Isang marikit, malambot at kulay berdeng unan at me kasama pang "branded" na Esprit na maliit na tuwalya na may kaparehong kulay ang aking napiling ibigay.



Napakasaya ko noon Ate Charo. Alam ko na sa loob ng aking puso ay matutuwa ang makakakuha nito sapagkat maganda ang aking napiling disenyo.

Buong puso ko po itong binalot sa isang ginintuang papel upang lalong maging kaaya-aya ang aking handog na regalo.

Makalipas pa ang ilang araw ay dumating na ang oras na aming pinakahihintay Ate Charo. Masaya ang lahat ng aking mga kasama nang magsimula na ang aming piging. Punong puno ng iba't ibang uri at espesyal na pagkain ang aming hapag.  


























Lahat ay puno ng kasiyahan na makita ang tumpok na regalo na tila naghihintay sa mapalad na makakakuha nito.


Hindi rin po lingid sa aking mga mata ang hangaring makakuha ng isang magandang regalo bilang kapalit ng aking piniling handog.

Masarap ang pagkain na nakahanda Ate Charo. Masaya ang lahat na pinagsaluhan ang kaunting pagkain hanggang sa aming kabusugan. At matapos nga ang kaunting salu-salo ay nagsimula nang magbunutan ng numero upang aming malaman ang aming maiuuwing regalo.

Bilang panimula ay naatasan akong unang bumunot. Puno ng kaba ang aking dibdib na kumuha ng naka-rolyong papel.

"Number 5" ang aking nabunot.

At aking ngang nakuha ang isang kuwadradong kahon na nakabalot sa isang puting papel na pang pasko. Natuwa naman ako sapagkat malaki ito ay may kabigatan. Sabik ko nang malaman kung ano ang laman nito, ngunit aming napagkasunduan na sabay sabay namin itong bubuksan kapag natapos nang makakuha ng regalo ang bawa isa.

Noong sandali pong iyon ay malalaman din namin kung kanino at sino ang nagbigay ng regalong aming nakuha. Si Kim pala ang nagbigay ng aking nakuha. Siya ay isang Intsik, maputi, may kahabaan ang buhok at may matinis na boses. 

Nagpatuloy pa ang pagpalitan ng regalo. Kung ako ang unang bumunot, ang aking regalo naman ay ang huling nakuha. Tila isang "Grand Prize" daw ito lalo pa't ito ay pinalamutian ng ginintuang pambalot.

Tulad ng napagkasunduan, sabay sabay naming binuksan ang aming nakuha.

Dagli kong pinunit ang papel na pinambalot, at aking nakita ang bulaklak na disenyo na kulay lila. Mayroon akong kaunting lungkot na nadama Ate Charo, ngunit akin na lamang nasambit sa aking sarili na "okay lang yan, at least hindi ka na bibili ng bagong bedsheet.."



Ang iba sa amin ay nakakuha ng "bath towels", malambot na tsinelas, "Starbuck Tumbler", "Body Shop Items", at kung anu ano pang magagandang gamit. Samantalang ako, BEDSHEET ang nakuha. Hindi ako bitter Ate Charo ngunit, bayolet kasi siya at me flowers eh..huhu


Tila napansin ata ng aking kasama ang aking reaksiyon at nagtanong siya sa akin,


"Athena, ano ang nakuha mo?" sambit sa aking ng Pilipinang ka-opisina.


"Ha?Yung nakuha ko?uhmmm eto oh..Bedsheet.." tahimik kong sinabi sa kanya sabay abot ng aking nakuha.


"Aaahhh..teka Bedsheet ba to..?" tanong naman niya sa akin.


"Oo..bakit hindi ba?" sagot ko naman.


"Parang hindi eh..pero Bedsheet nga ata.." sabi naman niya.


Tila napaisip nga ako at muli kong tiningnan ito. Mukhang hindi nga siya bedsheet Ate Charo. Muli akong kinabahan dahil tila iba nga ito sa aking unang inakala. Mayroong namuong pag-asa sa aking puso. Tinanggal kong muli ang plastik na nakabalot, at aking ngang napatunayan, hindi nga ito Bedsheet.



Opo Ate Charo, tama po ang inyong nakita.


"Ay hindi pala siya Bedsheet..PHOTO ALBUM pala.."


Mas masakit po pa lang malaman na isa itong PHOTO ALBUM. Hindi ko po lubos na matanggap na mayroon pa palang ganitong nakakaisip na iregalo. Maluha-luha kong na lamang niyakap ito habang dahang dahang umupo.

Sa aking pagkakatanda, ang Photo Album at Picture Frame ay matagal na pong na i-ban sa lahat ng aming Christmas Parties simula pa nung ako ay nasa elementarya.

Sadya po akong nalungkot sa mga nangyaring iyon. Nagsisisi po ako Ate Charo. Muli kong naisip na sana Bedsheet na lamang iyon at hindi Photo Album. Ngunit mapaglaro po talaga ang tadhana at mabilis nitong tinugunan ang aking kalungkutan noong inakala kong Bedsheet ito.

Wala na po akong nagawa. Pinilit kong ikubli sa aking sarili ang kalungkutang aking nadama. Sa kabila ng bawat ngiting aking binibitawan sa aking mga ka-opisina ay ang patuloy na pagnaig ng kurot sa aking puso.

Ngayon po ay patuloy pa din ako sa pagtanggap sa aking sarili sa aking kapalaran, ngunit nananatili po akong matibay sa kabila nito.

Kasalukuyan po akong naghahanap ng films ng Kodak at FujiFilm upang magamit sa lumang camera na aking naitabi noon. Naniniwala po kasi ako na sa kabila ng iPhones, iPads, DSLR Cameras, 3G at 4G na mga gadgets ngayon ay kaya kong makipagsabayan sa kanila.

Nawa'y mayroon pong natutunang isang mabuting aral ang inyong manunood sa aking payak na liham.

Lubos na gumagalang,

Athena



P.S.
Ate Charo, meron pa po bang nagpprint ng mga 3R, 4R at mga 5R na size na litrato?Refer nyo na lang po sa aking if may alam po kayo. Thanks girl!Nga pala, namiss ko yung lampara sa side table mo. hihi Ciao!


Saturday, October 29, 2011

si Rain, si Ate Venus, at ang Glutathione

last Wednesday, holiday dito sa Singapore kaya naman hindi nagpapapigil si Ate Venus para rumampa at ipakita ang kanyang dancing prowess sa gimikan..

ika nga niya,

"mga teh, sayang naman ang chance na pwede magpuyat kasi walang pasok bukas..kaya't isuot na ang crowns, sash at mga evening gowns, iwan na ang scepter at cape, at gumora na with me..!"

ngunit since domesticated beauty queens kami ni Ate Shamcey, ay we chose to stay at home and mag gantsilyo na lang..char!

pero bago pa man maghasik ng lagim si Ate Venus sa gimikan ay nagpaschedule muli siya sa aming nurse / landlady (Ate Che) upang magpa-inject ng miracle drug na itatago natin sa pangalang, glutathione..

hindi naman actually maitim si Ate Venus, gusto lang niyang mawala ung blemishes niya sa skin at siyempre nais niyang pumuti ng kaunti..kaunti lang talaga promise..

The 16-year-old Ate Venus

actually, last week nagpa-inject na siya kay Ate Che ng dalawang drum ng glutathione..one shot lang and ayun, pasok na sa banga..

since concentrated talaga ang dark tone sa skin ni Ate Venus, ay pumunta ulit siya sa aming baluer dala ang kanyang paraphernalia para muling magpa-inject..

unfortunately, me birthday party na pupuntahan si Ate Che that night..paalis na nga sila ng kanyang asawa nung dumating ako sa baluer..

ngunit sadyang pinagpala lang talaga si Ate Venus sapagkat, darating pala si Rain nung gabing iyon para bumisita at makiovernight..

tila alam na din ng aming landlady ang mga kaganapan, kaya't ibinilin na lamang niya kay Rain ang pag-inject..

nang malaman ang magandang balita, dagling nagsuot ng Vera Wang creation at sumaglit sa parlor si Ate Venus para ipablower ang kanyang hair bago pumunta sa bahay..excited at nagtutumalon siyang dumating sa amin..

Si Ate Venus habang papalapit sa aming baluer

sapagkat ito na ang pinahihintay nyang pagkakataon..


ang pagdadaupang-palad nila ni Rain..


si Rain..


si Rain na walang malay..


si Rain na guwapo at inosente sa aming pagnanasa..


si Rain na ang tanging kasalanan ay maging masarap at masustansiya..


hihi..


nung huling nagpa-inject si Ate Venus kay Ate Che ay mabilis lang..hindi nga siya nasaktan o kinabahan man lamang..walang preysuyr na nadama..

samantalang ngayon, ay todo ang kabog ng kanyang dibdib..mas kabado pa siya kesa nung kumuha siya ng HIV test sa hospital..chos!

inihanda na ni Rain ang mga gamit..pinaghalo ang mga gamot..relaxed naman si Rain habang ginagawa iyon..samantalang si Ate Venus ay di mapakali sa kanyang pag kakaupo..

simula na ng pag-inject..

tumuwad na si Ate Venus kasi ipapasok na ni Rain...ang karayom..chos!

nilagyan na ng tourniquet ni Rain ang kamay ni Ate Venus..

"hinga ng malalim.." sabi ni Rain sabay turok ng daliri sa waputs ni Ate Venus.

char!siyempre ung karayon sa ugat noh!

Si Rain, Si Ate Venus at ang Glutathione

hindi nakatingin si Ate Venus sa ginagawa ni Rain..habang nakahawak ako as isang kamay niya ay nakita ko ang butil-butil na pawis niya sa kanyang noo.

"hoy Ate Venus!shuket kung pag pawisan ka ngayon eh parang daig mo pa ang bino-bottom ng limang lulurki ng sabay sabay?? eh nung ke Ate Che wit ka naman ganyan!" sabi ko sa kanya.

"che!chosera!siyempre si Rain ang nag-iinject noh..preysured akez!at parang masakit siya..kulang ng lubricant ata..chos!" sagot naman niya sa akin.

"masakit ba..?" tanong naman ni Rain na tila narinig ata ang nasambit ni Ate Venus.

"medyo.." mahinang sagot ni Ate Venus habang nakatitig sa mga malalaking maskels ni Rain..hihi

tiningnan ni Rain ang ininject niya..


naputol pala ang karayom at naiwan sa ugat ni Ate Venus..


chos lang!


tila may mali atang naganap..


kayat tatangalin na lang daw muna niya..


tama nga ang aming hinala..mayroong hindi tama sa pag-inject ng karayom..hehehe kaya't me take two..

"hinga ng malalim.." sambit muli ni Rain sabay ng pangalawang pagturok nya ng injection sa ugat ni Ate Venus.

this time sakto na, pasok na pasok..at dahan dahan namang pinu-push ni Rain ang diluted glutathione na nasa syringe..

marahil ay na-pressure lamang si Rain sa kalandian kaharutan pang aasar namin kay Ate Venus..kaya't namali siya sa unang subok nya..pero kahit naman ilang mali pa yun keri lang yun ke Ate Venus basta't si Rain ang hahawak sa kanyang mga kamay..hihi

matapos ang agaw-buhay na pag-inject ng glutathione, ay siya namang pag interview namin ni Shamcey kay Ate Venus..


"ateng, aning nangyari?keri naman ba ang pag inject ni Rain sau?"

"mga teh..anlambot ng kamay niya..sarap hawakan..ayeee..hahahah..at ang dibdib nya, amputi puti sarap sigurong dila-dilaan.."

well obviously, nagenjoy naman siya sa pag-inject sa kanya ni Rain kahit na masakit..marahil, kahit ilang beses pang magkamali si Rain eh okay lang sa kanya..

di alintana ang sakit..basta't sa ngalan ng pagpapaganda at sa ngalan ng paglalandi..

at sa tingin ko mas mag eenjoy pa siya if ibang injection ang ginamit..sa isang katulad ba naman ni Rain at sa landing taglay ni Ate Venus..perfect combination..hhihi

anyway, hindi pa naman nagtake effect ung glutathione sa balat ni Ate Venus..sadang mapait lang siguro ang tadhana niya sa kanyang Jinky Oda-inspired na balat..chos!

balitaan ko na lang kayo if pumuti na siya at pumantay na ang skin tone nya..kung kelan pa yun, well, ahmm..hahaha..

abangan na lang..hihi