Showing posts with label athena. Show all posts
Showing posts with label athena. Show all posts

Thursday, September 06, 2012

vodka and sprite

last saturday night, i went out to meet my Chinese friend, Jon.

inaaya nya ako to go clubbing with Rizuan (oo si Mr. Stuttering hihi).

akshally, i hesitated to go out with them kasi magmumukha lang akong shaperown chaffuerown chaperone..

eh kasi naman magjowa sila before and now they are starting to date again..maluluma ang Popoy-Basha love team sa kanila teh..!truth!

besides, alam nyo naman na hindi ko peg ang mga clubbing na ganyan kasi magagalit ang organizers ng Carousel Productions noh..

pero since ang middle name ng pinsan ng hipag ng pamangkin ng lola ko sa tuhod sa mother side ay Calladquareen, aba siyempre gumow na ako..hihi #alamnioyan

so bago kami pumasok sa club eh naginuman muna kami ni Jon sa soyaling lugar..sa ganda kong toh, dapat sa classy place nya ako dalhin noh!

where?

dun sa sidewalk sa labas ng 7eleven na binilhan namin ng isang litrong sprite pang chaser sa vodka nyang nakalagay sa mineral water bottle..

pak na pak db?!sayang yung Vera Wang kong gown that night, dun lang pala kami magiinuman..

anyway, since muslim si Rizuan, hindi siya umiinom. so mega kwento lang sya at chat with his phone..

accidentally, napansin ko kung sino yung kachat nya sa phone..very familiar yung name, and since me picture dun sa tabi ng name, nakita ko din kung sino.


"hey Rizuan!are you chatting with Ricky..?" i innocently asked.


"yeah..?but hey you know him?" Rizuan replied.


"hey Athena, how did you know Ricky??" gulat na tanong naman ni Jon.


Athena: "..we have been chatting for quite sometime now..why??"


Rizuan: "huh?!really, but hey how did you know him ??"


Athena: "..we chatted and exchanged numbers through Bendr..you know Bendr right?just like Grindr..?"


Jon: "Oh my, Athena are you serious???"


Athena: "like hell yeah?halluer do i look like im making up stories here..?duh??" (chos)


Rizuan: "So it means Ricky is also gay..?"


Athena: "ay hindi siya beki teh! nagexchange nga kami ng numbers eh at plano pa naming magmeet and manood ng cine dati..of course noh!halleur?!my gosh ha, so slow.." (chos ulit)


aba, gulat na gulat nga ang dalawa dahil kilala ko si Ricky, si Ricky na walang malay, si Ricky na ang tanging kasalanan ay mabighani sa photoshopped kong photo sa Bendr..chos!


Rizuan: "hey Athena, can i borrow your phone and can i see you conversation with Ricky?"


siyempre dali dali ko namang inerase yung mahahalay muna..

so are you top or bottom?i can be whatever you want me to be dahrlin..

can you send me your dick pic?im dying to see it..

hello my place is free now, you wanna come over..?

etchos lang noh!

we talked nothing about those..decent kaya ako..ako rin kaya ang reigning Bb. Dalisay sa sitio namin..hihi


Rizuan: "..wow im really surprised Athena..do you know where he lives?.."


Athena: "he stays at Bukit Panjang also, just near your area..you stay there too right..?"


Rizuan: "yeah..!and he just lives next to our place..he is my neighbor..and i have known him for like ten years already, and i didn't know that he is gay..!"


Athena: "huwaat?!then i could have seen him when i went to visit your place last time..!"


Rizuan: "yeah..and are you aware that he has a girlfriend..?"


Athena: "ahaha..huwaaaatt again?!?nooooooee, i don't know that he has a girlfriend..well, i shouldn't be surprised, obviously im more beautiful than his girlfriend..no wonder he wants to have my number before..aha-aha-aha..!"


Jon: "..Athena, you haven't met him yet, right..?"


Athena: "we haven't met yet, coz im zow beeshee with work and other stuff..why..?"


Jon: "..so i guess you are also not aware that Ricky is deaf and mute..right?"


Athena: "aha-aha-aha..of course noh! we haven't met pa nga eh..........."




and then there was a moment of silence...



suddenly i felt like i cant hear the sounds of the cars passing by...



suddenly the voices of people and music that emanates from the nearby clubs disappeared...



suddenly all i can hear is my heartbeat..and the blood that rushes through my veins...



i looked around everything seems to be moving slowly around me...



and then all i can see is Rizuan and Jon...



unconciously, i dropped the papercup of vodka mixed with sprite...



i am shaking my head while i slowly closed my eyes..



then i felt my warm tears flow out of my eyes...



i took few steps backward..



i covered my face with my cold hands and leaned on the wall..



oo..



alam nyo na ang nangyari...



nagpadausdos ako sa pader..



and guess what??



masakit..



hindi kasi naka-tiles unlike sa banyo..



magaspang teh!



parang yung batong pang hilod ko lang dati nung naliligo pa ako sa batis..



hihi



chos!



seriously, i was really surprised when they told me he is deaf and mute..

maybe because Ricky didn't mention to me anything about his condition..i have known him for quite some time now..from time to time, we chat but we haven't got the chance to meet yet..

but honestly, i didn't feel sad when i learned about him, instead i felt very excited to see him..and i'm not scared on how are we gonna communicate when we meet..


FYI: i mastered the sign language for the Alphabet..(effective tool kasi yun para mangopya nung highschool especially pag multiple choice at matching type yung exam hihihi) and i know some of the basic words/phrases/sentences using the Sign Language..salamat sa Kapwa ko Mahal ko..natuto ako..hihi



i don't care if hindi niya marinig ang 12 seconds na pag sustain ko sa F#5 na note..

i don't care if hindi niya marinig ang halinghing ko at mapang akit kong ungol..

and i don't care if hindi nya masasabi sa aking ang mga linyang, "Oooh sh*t Athena ang sarap ng ginagawa mo..urrgghh.."


chos!



well, in my 25 years of existence (credits to ate Venus for that wonderful opening statement), i never had the chance to meet and to have a friend like Ricky..

he is way much different from others, and that what makes him more special..


"i know i will learn a lot from him..

i know he will make me realize a lot things..

i know he will give me a new perspective on how to live with a purpose..

i will learn lessons and gain wisdom that no words could ever define..

i feel lucky to know him..

he is a good guy..

i know he is..

i felt it.."

- Athena



P.S.
Oh dba pang beauty queen ang closing statement ko..??
aminin nyo yan..!
level up na si Athena..
hihi charla!







Thursday, August 09, 2012

stuttering

An Anecdote:

minsan isang gabi, naglalakad ang mga reyna; ako, si Venus, and Shamcey pauwi sa aming baluer..we are listening to the live version of Love Takes Time ni Mariah Carey sa youtube..

-----oO0Oo-----

bridge:
You might say that it's over
You might say that you don't care
You might say you don't miss me
You don't need me
But I know that you do
And I feel that you do
Insaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyydddddd...!

Venus: "O hayan na yung whistle, pakinggan nyo mabuti live yan teh..!"

Athena: "Hay hay, magbigay pugay kay Aling Mariah, magsitigil tayo sa paglakad please..?!"

Shamcey: "Wow ah..kelangan tumigil talaga?!"

yes mga ateh, we really froze in the middle of the sidewalk and we closed our eyes as we listened sa ever-famous na whistle ni Mariah..hihi 
#bekimoments

-----oO0Oo-----


love namin ang music..

musically inclined beauty queens kasi kami hehehe

especially yung mga E5, F5, F#5 at mga G5 notes na effortless binibirit ni kumareng Regine at ni aling Mariah..hehehe

pero siyempre, mas bet ko pa din yung mga cut, uncut, pinkish, veiny, long, and hard notes..hihi #alamnyonayan 

anyway, since and inyong abang lingkod, Athena, ay narito na sa Singapore, dapat ay peg pa rin ang pakikipagkaibigan sa mga ibang lahi.

hindi natatapos sa Miss Earth Pageant ang aking Miss Congeniality spirit..hehehe

Thanks to Venus at nakilala namin si Mohammad Rizuan Bin Rashid, 25, Singapore!

He is Malay, muslim, stands 5 feet 4 inches tall (half inch lang difference namin..hihi tangkad namin noh? char!), singer, dancer, and an artist..

oo nasa una siya sa pila nung nagsabog si Fairy Godmother ng talent..maaga nagising..hehe

well nasaan ako that time?andun din ako..wala ako sa pila noh..!

organizer na ako nun..usherette lang ang peg para maayos ang distribution hihi

anyway, i just wanna feature his video that i uploaded on youtube..hehe

here watch nyo hihi..


bongga lang db?! ateng Jessica Sanchez ang peg!hihi

im still asking him na gumawa pa ng ibang covers.. by the way, he can also sing tagalog songs..hehe ill be featuring him again pag me new videos na..hehe #fanatic

FYI: gumawa din ako ng cover dati..yung mababa lang na song kasi baka walang mag view pag di ko na sustain yung high notes..

What kind of Fool I am and kinanta ko dun..oo ganun kababa..

inupload ko din yun sa youtube noh..

kaso di ko na mahanap ngayon..

nablock pala yung video..

tagged as "Offensive and Explicit" ang aking creation..!

ibang mic kasi ang gamit ko nun eh..hihi #alamnyonayun

but wait!there's more!

hihi

the next thing i know naka 86,342 views na siya..at me 5 stars na rating..!

pero wit sa youtube nyo makikita..

try nyo isearch na lang sa xtube..hihihi

title?





"Athena What Kind of Fool Cover with cumshot"




hihihi

chos!


Monday, December 26, 2011

MMK "Regalo"

Dear Ate Charo,

Itago nyo na lamang po ako sa pangalang, Miss Water 2011. Isa pong karangalan para sa akin na mailathala sa inyong programa ang aking liham-kasaysayan.

Nagsimula po ang lahat noong ika-labing walo ng Disyembre taong 2011.

Nalalapit na noon ang aming naitalagang pagtitipon sa opisina para sa isang maliit na piging bilang pagdiriwang sa nalalapit na kapaskuhan. Noong araw po na iyon ay bumili ako ng regalong aking ihahandog sa kung sino mang makakapili nito.

Isang marikit, malambot at kulay berdeng unan at me kasama pang "branded" na Esprit na maliit na tuwalya na may kaparehong kulay ang aking napiling ibigay.



Napakasaya ko noon Ate Charo. Alam ko na sa loob ng aking puso ay matutuwa ang makakakuha nito sapagkat maganda ang aking napiling disenyo.

Buong puso ko po itong binalot sa isang ginintuang papel upang lalong maging kaaya-aya ang aking handog na regalo.

Makalipas pa ang ilang araw ay dumating na ang oras na aming pinakahihintay Ate Charo. Masaya ang lahat ng aking mga kasama nang magsimula na ang aming piging. Punong puno ng iba't ibang uri at espesyal na pagkain ang aming hapag.  


























Lahat ay puno ng kasiyahan na makita ang tumpok na regalo na tila naghihintay sa mapalad na makakakuha nito.


Hindi rin po lingid sa aking mga mata ang hangaring makakuha ng isang magandang regalo bilang kapalit ng aking piniling handog.

Masarap ang pagkain na nakahanda Ate Charo. Masaya ang lahat na pinagsaluhan ang kaunting pagkain hanggang sa aming kabusugan. At matapos nga ang kaunting salu-salo ay nagsimula nang magbunutan ng numero upang aming malaman ang aming maiuuwing regalo.

Bilang panimula ay naatasan akong unang bumunot. Puno ng kaba ang aking dibdib na kumuha ng naka-rolyong papel.

"Number 5" ang aking nabunot.

At aking ngang nakuha ang isang kuwadradong kahon na nakabalot sa isang puting papel na pang pasko. Natuwa naman ako sapagkat malaki ito ay may kabigatan. Sabik ko nang malaman kung ano ang laman nito, ngunit aming napagkasunduan na sabay sabay namin itong bubuksan kapag natapos nang makakuha ng regalo ang bawa isa.

Noong sandali pong iyon ay malalaman din namin kung kanino at sino ang nagbigay ng regalong aming nakuha. Si Kim pala ang nagbigay ng aking nakuha. Siya ay isang Intsik, maputi, may kahabaan ang buhok at may matinis na boses. 

Nagpatuloy pa ang pagpalitan ng regalo. Kung ako ang unang bumunot, ang aking regalo naman ay ang huling nakuha. Tila isang "Grand Prize" daw ito lalo pa't ito ay pinalamutian ng ginintuang pambalot.

Tulad ng napagkasunduan, sabay sabay naming binuksan ang aming nakuha.

Dagli kong pinunit ang papel na pinambalot, at aking nakita ang bulaklak na disenyo na kulay lila. Mayroon akong kaunting lungkot na nadama Ate Charo, ngunit akin na lamang nasambit sa aking sarili na "okay lang yan, at least hindi ka na bibili ng bagong bedsheet.."



Ang iba sa amin ay nakakuha ng "bath towels", malambot na tsinelas, "Starbuck Tumbler", "Body Shop Items", at kung anu ano pang magagandang gamit. Samantalang ako, BEDSHEET ang nakuha. Hindi ako bitter Ate Charo ngunit, bayolet kasi siya at me flowers eh..huhu


Tila napansin ata ng aking kasama ang aking reaksiyon at nagtanong siya sa akin,


"Athena, ano ang nakuha mo?" sambit sa aking ng Pilipinang ka-opisina.


"Ha?Yung nakuha ko?uhmmm eto oh..Bedsheet.." tahimik kong sinabi sa kanya sabay abot ng aking nakuha.


"Aaahhh..teka Bedsheet ba to..?" tanong naman niya sa akin.


"Oo..bakit hindi ba?" sagot ko naman.


"Parang hindi eh..pero Bedsheet nga ata.." sabi naman niya.


Tila napaisip nga ako at muli kong tiningnan ito. Mukhang hindi nga siya bedsheet Ate Charo. Muli akong kinabahan dahil tila iba nga ito sa aking unang inakala. Mayroong namuong pag-asa sa aking puso. Tinanggal kong muli ang plastik na nakabalot, at aking ngang napatunayan, hindi nga ito Bedsheet.



Opo Ate Charo, tama po ang inyong nakita.


"Ay hindi pala siya Bedsheet..PHOTO ALBUM pala.."


Mas masakit po pa lang malaman na isa itong PHOTO ALBUM. Hindi ko po lubos na matanggap na mayroon pa palang ganitong nakakaisip na iregalo. Maluha-luha kong na lamang niyakap ito habang dahang dahang umupo.

Sa aking pagkakatanda, ang Photo Album at Picture Frame ay matagal na pong na i-ban sa lahat ng aming Christmas Parties simula pa nung ako ay nasa elementarya.

Sadya po akong nalungkot sa mga nangyaring iyon. Nagsisisi po ako Ate Charo. Muli kong naisip na sana Bedsheet na lamang iyon at hindi Photo Album. Ngunit mapaglaro po talaga ang tadhana at mabilis nitong tinugunan ang aking kalungkutan noong inakala kong Bedsheet ito.

Wala na po akong nagawa. Pinilit kong ikubli sa aking sarili ang kalungkutang aking nadama. Sa kabila ng bawat ngiting aking binibitawan sa aking mga ka-opisina ay ang patuloy na pagnaig ng kurot sa aking puso.

Ngayon po ay patuloy pa din ako sa pagtanggap sa aking sarili sa aking kapalaran, ngunit nananatili po akong matibay sa kabila nito.

Kasalukuyan po akong naghahanap ng films ng Kodak at FujiFilm upang magamit sa lumang camera na aking naitabi noon. Naniniwala po kasi ako na sa kabila ng iPhones, iPads, DSLR Cameras, 3G at 4G na mga gadgets ngayon ay kaya kong makipagsabayan sa kanila.

Nawa'y mayroon pong natutunang isang mabuting aral ang inyong manunood sa aking payak na liham.

Lubos na gumagalang,

Athena



P.S.
Ate Charo, meron pa po bang nagpprint ng mga 3R, 4R at mga 5R na size na litrato?Refer nyo na lang po sa aking if may alam po kayo. Thanks girl!Nga pala, namiss ko yung lampara sa side table mo. hihi Ciao!


Tuesday, December 20, 2011

gunshot

i was shot..


yes dear..


and sariwa pa ang sugat..


i didn't expect it to happen..


anyway here is the story..

 

last Sunday, before going to the Simbang Gabi, i went to the mall with Shamcey, her cousin Leslie, and our Landlady Ate Che..i planned to look and buy for a gift for our upcoming mini Christmas Party/Exhange gift-giving activity sa office..

we looked around the mall to look for a something-to-use and unisex Christmas Gift..

since it's Christmas naman, and generous naman akong tao, i'm thinking to go beyond the 20-dollar gift value and instead, eto nalang bibilhin ko para maging masaya naman sila..

something that can be used..check..!!!

unisex..check na check...!!!

$20.00 minimun cost..check na check na check..!!!

chos!


after looking around, i finally decided to have these for my Christmas Gift..




since, i focus myself and keen towards environmental protection and preservation, pinili ko ang green (olive green in particular) na color para naman akmang akma sa aking legacy..hihihi

 
sinamahan ko na din ng Esprit na hand towel para if maglaway siya habang gamit ang pillow eh me pamunas siya..perfect combination di ba?hehe



after paying the 21.80-dollar gift (at least mas mahal sa agreed cost namin, san ka pa wala pang wrapper yan..dagdag cost din yun noh hihi), we left the the store and went around pa before leaving the place..

suddenly me nakita si Ate Che na shop na me strange-looking, tiboli tribe-member hip-hop girl..sabay lingon saken,


 
"Athena!pabutas tau tenga you want?!!"


owmaygash!


this is it!


sa mga hindi pa nakakaalam, nakadikit lang po yung earrings ko nung sumali ako ng pageant..wala pa talaga siyang butas..chos!


seriously, I have been planning ages ago na magpabutas talaga ng tenga..takot lang kasi ako hehehe..alam nyo naman, hindi ako sanay sa mga tusok tusok na ganyan..lels


confused na confused ako that time if igo-gow ko ba or hindi..takot kasi ako hihihi


"cge ako na muna papabutas, tapos sunod ka..papalagay kasi ako ulit ng isa pang butas eh.."


todo convince pa si Ate Che..


then the next thing i remember, hawak na ng tiboli tribe-member hip hop girl yung left ear ko..

pinaluguan ng alcohol/antiseptic..

tinuldukan ng marker..

tinutukan ng baril..

BANG..!!!


TADAAAAAHHHH,,..!!!

in fairness, hindi pala siya masakit hehe..mas nagulat pa ako sa tunog ng gun na ginamit kesa sa sakit..buti na lang hindi ako nahimatay..harhar

it has been 4 days since natuhog ang aking virgin na tenga..hihi and so far wala namang signs of any infections or whatsoever..

and so far i have been enjoying seeing it in my ear..mas lalo palang nakakaganda..char!

so sa mga magbibigay ng gift saken diyan, pwede nyo nang idagdag sa pagpipiliian itong mga to:






promise mga ganyang sizes lang ha, ayoko kasi ng masiyadong mabigat at masiyadong agaw pansin..alam nyo naman shy ako..

char!

Merry Christmas..!

Thursday, December 08, 2011

singapore sirena

last Saturday, we received a group message from Shamcey..

"girls, i wanna go swimming.."

abah, first time atang mag aya si Shamcey ng ganitong ganap..for the past months na magkakasama kaming tatlo, si Venus at ako ang laging nag aaya ng mga pasyal/ganap/paglalandi..

so, todo support naman kami ni Venus sa pagnanais ni Shamcey na isuot muli ang dala niyang costume ni Ariel sa Little Mermaid..and since si Shamcey ang nagisip ng ganap namin, we need to contribute something naman kaya in siya na rin ang pinilit naming magsponsor ng food..hihi

in fairness, sabik ata siyang makakita ng naka-trunks na lulur swimming pool na me waves kaya nag agree naman siya agad na manlibre ng 2 medium-sized pizza..hihi (salamat sis!)

to cut the story short, we agreed to meet and go swimming sa Jurong East (the place is near, Venus' area)..

since si Venus ay walang pasok at ako ay half day lang pag Saturdays, i went home agad after my work. I took a nap then before 6pm paalis na ako ng baluer dala ang costume ni Shamcey for swimming..me pasok kasi siya buong araw ng Saturday kaya ako na lang nagdala ng two-piece at Suntan Lotion kahit na gabi kami magsswimming..

It was around 6:30 na ang i was on the train na going to the place when suddenly, biglang dumilim ang kalangitan at nagbadya ng isang malakas na ulan..

and the next thing i remember, kumakanta na lamang ako ng Through the Rain ni ate Mariah Carey..


DISCLAIMER: This video is for illustration purpose only.. hindi ako yan noh!hihi

we are not actually sure if open yung pool with that kind of weather condition..but still we decided to push through with our major event of the year..chos! afterall, nakapagorder na daw pala si Venus ng pizza na pinadeliver sa venue..

so gora pa din kami..

it was 7:00pm na when we arrived at the venue, and guess what??

yes you are right..


"CLOSED DUE TO THE BAD WEATHER"


they have to close it daw for safety purposes..


halluer??!!


ambon??!!


safety??!!


ano yun bka pag naulanan kami eh mababasa kami while nasa pool??!!


chos!


we can go inside naman daw pero swimming is not anymore allowed..


so nagkaroon muna kami ng conference of beauties if papasok kami sa loob to wait for the pizza and kumain na lang without out bathing suits kasi di naman pwede maligo or wait for the pizza na lang then go home sa baluer at dun lafangin ang fudashey..

after ng Bi-cameral conference meeting ng mga Babaylan, we have come to a sad decision: wait for the pizza and go home sa baleur para kaninin nalang dun..

pero mukhang gusto talagang lumandi gumanap si Shamcey..after daw naming kumain eh gora kami ng bar na itatago natin sa pangalang Taboo hihihi..

since hindi kami mga kaladkaring babae ni Venus eh siyempre nag agree kami agad sa idea..kami pa!hehe

so while we are waiting for the pizza napansin namin na me mga nasa pool na ulit na naliligo..

we thought the pool was already closed??!!

takbo naman kami agad sa entrance to verify why me mga nasa pool..

mukhang narinig ng mga diwata ang aming mga pagsusumamo, it was opened ulit and pwede na daw magswimming until 9:30pm..so go naman kami agad!

pagkatapos naming magbihis ng kanya kanyang bathing suits eh, dumating na din ang pizza..hihihi

too bad wala masiyadong tao..wala pa ata kaming 10 sa pool eh..pero infairness iba't ibang lahi iyon noh..lahat nga lang sila nagtatagalog..hihihi

siyempre hindi mawawala ang official song ni Shamcey habang nagsswimming..



Disclaimer: Hindi rin po si Shamcey yan hihih

anyway, it was fun naman kahit wala kaming nakitang mga boys..we are very wholesome that night mga ateh..beauty queens ang mga peg namin nun hihi

here are some of the photos pala..
L-R: Venus, Shamcey, and yours truly Athena

Counterclockwise: ang pizza, ang pizza ulit, si Venus, ang bubong ng cottage, si Shamcey, and yung nipples ni Shamcey hihi!

sorry mga teh wholesome ang ganap namin..alam ko namang sabik kayo sa mga mahahalay na kwento..don't worry malapit na..chos!

hihi

Tuesday, December 06, 2011

I won!

"Athena Imperial bags 3rd Place on Miss Earth 2011 Beauty Pageant"



Yes dear readers, I won..

I am officially crowned as the Miss Water 2011..



Miss Water talaga ang aim kong kunin kasi gusto kong tulungan ang mga ibang nilalang sa ating bansa na tuyot na sa pagmamahal at pag aaruga..

ako na ang naitalagang magdidilig ng suka sa nanunuyo ninyong lumpia..chos!

Once again, Philippines proved to the world that we, Filipinas, have what it takes to showcase the best combination of beauty and brains..

and for my first project, I will be coordinating with Maynilad and Manila Waters to conduct my first-ever humanitarian project as Miss Water 2011..

this event willbe named as the Libreng Ligo Project..personally spearhead by yours truly, Athena..

and since I will also promote the Save Water Save Life Project, dapat sabay na sabay ang pagliligo and ako mismo ang mag scrub sa mga pipila for the project..

please note that this event will only be strictly for boys only, since sila ang mga mas madudumi..so sila ang target kong linisin..

chos!

Wednesday, November 23, 2011

i'm back!

harrrrrroooow!

you might be wondering ba't antagal ko ulit bago makapag post ng entry..hindi po ako nagkasakit or nag out of town..

sorry mga teh, i've been very busy with my humanitarian and environmental activities kasi..you know naman, i have to fullfill my duties..lifetime advocacy ko na kasi na tumulong at magbigay kasiyahan sa ating kapwa..hihi





tree-planting, feeding program, scholarship grants, pa-basketball/pa-liga ng barangay events, pahingi-ng-allowance projects, oplan penge-naman-ng-bagong-cellphone, ibili-mo-naman-ako-ng-bagong-damit-at -pantalon operations at kung anu ano pang activities na kelangan ng presence ko ang aking pinagka abalahan for the past days..chos!

seriously, i've been busy with my work since the time i posted my last entry..i've been extending hours and hours after 6pm para lang ma-meet yung deadline namin for our submission..buti na lang natapos na siya..hoping na sana tama yung mga pinagco-compute kong values..hihi

in all fairness, kahit na panay "krook krook" ang naririnig mula sa Grindr ko, i can't help but to ignore those indecent proposals..


yes..


tinanggihan ko lahat ng alok nila..


hindi ako sabik sa laman..


kahit na me kasamang d*ck pic pa..


hindi ko pinatulan..


(napalunok na lang ako pag nakikita ko..hihi)


busy kasi ako..


sabi ko naman sa inyo eh..


malinis akong babae..


wala akong bahid ng kalaswaan..


kaya kong tanggihan ang tawag ng laman..


and now..


i'm back..


and my body is extremely longing for satisfaction..


i was once deprived..


but not anymore..


the intense feeling of hunger inside of me is screaming out loud..


and i'm craving..chos!


raaaarrrr!!aaarrgggghhhh!!!

oo ganyan ako pag gutom..hihihi

heniway, medyo nalungkot lang ako kasi i missed the first monthsary of my blog..na-realize ko na lang na it has been one month na pala since i started this very educational and rated GP na blog..and i'm not prepared for a bonggang entry..


bawi na lang ako next month..


or better yet neks chur na lang..


sa anniv..anniv???!!haha


chos!