Friday, October 21, 2011

beauty queens

sa tuwing lumulubog ang haring araw mula sa kanyang pagtikas sa kalupaan ng Singapore ay siya namang hudyat ng paglitaw ng mga sequins ng mga gown naming magkakaibigan na daig pa ang kislap ng mga bituin sa kalangitan..

sapagkat...

kami ay mga inhinyero sa araw..ngunit mga beauconera sa gabi..hehehe

presenting, the reigning beauties..hihi

The Beauty Queens in Universal Studios Singapore
L-R: Shamcey, Venus, and Athena
(nasobrahan lang ng usok hehehe)
katulad ng marami, kaming tatlo ay mga diwatang pilit nagkukubli ng mga maririkit na pakpak sa aming mga matitipunong pangangatawan..

nagkakilala kami sa dati naming kumpanya sa Pilipinas..lahat kami ay mga inhinyerong sibil..ito ang aming propesyong pinili dahil kami ay mahihilig sa pag-erect ng mga imprastraktura..kung hindi nyo naitatanong, magagaling kami sa pagsukat sa mga matataba, matitigas, at mahahabang bakal that are being used in the construction..expert ata kami dun noh!hihi


Pol a.k.a. Venus
siya si Pol (hindi niya tunay na pangalan), a.k.a. Venus Raj (kulay pa lang hindi na maiikailang vumi-Venus na db?).

siya ay mula sa lupain ng tocino at longganisa, Pampanga. at sa aming tatlo, siya daw ang pinakamaganda..pero since blog ko to, siya ay pumapangalawa lang sa akin..chos!

nauna siyang lumisan sa Pinas at naunang naglandi dito sa Singapore..in fairness, dito pala siya bebenta!aim nya kasing talunin ang bilang ng members ng United Nations sa mga matitikman nyang lahi..at ayon sa aming talaan, Bosnia and Herzegovina, Mozambique, at Djibouti na lang ang hindi niya natitikman..hihi


Ian a.k.a. Shamcey
eto naman si Ian (hindi niya tunay na pangalan), a.k.a. Shamcey Supsup.


klasmeyt ko na siya nung college pa. siya naman ay mula sa probinsya ng Isabela, at mula sa angkan ng mga kapita-pitagang guro. siya ang pinakaconservative sa aming tatlo. ngunit sa kabila ng wholesome image niya, nagtatago ang sikreto ng kanyang makamundong nakaraan..mga sikretong sa amin lang niya ibinunyag ni Venus..dati pala kasi siyang pornstar sa playboy magazine..(siguradong mahihiya si Tetchie Agbayani sa kanya noh)


Astroboi a.k.a. Athena
at ang pinaka natatangi sa lahat ay ang inyong abang lingkod, si Astroboi a.k.a. Athena Imperial.


sa lahat ng kalbo, ako na yata ang laging may mahabang buhok..hehehe ako naman ay natatanging dilag ng Pangasinan. kami ni Ian ay sabay na umalis sa Pinas at nagpunta dito sa Singapore..halos dalawang buwan na kaming nagwowork at talong buwan naman ang paghahasik namin ng lagim sa mga sulok sulok ng Singapore..hehehe

in fairness, me sari-sarili naman kaming field of expertise, merong top, bottom, and versa (kau na lang bahalang magdesignate kung kanino ang korona ng bawat titulong yun hihi)..

si Shamcey ay kasama ko sa bahay at sa kuwarto, samantalang si Venus ay kapitbahay lang namin (ngunit lilipat na siya sa ibang lugar by the end of the month kasi natikman na daw niya lahat ng mga koya sa aming neighbourhood..hihi kami naman daw ang next na tumikim lol)

anyway, nais ko lamang silang ipakilala sa inyo upang lalo nyong ma-digest ang tunay na kahulugan ng KAGANDAHAN..

'coz we are the living proof of the existence of the perfect combination of beauty and brains, bar none..

chos!

5 comments:

  1. gusto ko lang sabihin na si Ian ay ndi porn star dati. hanggang nagun ay pron star xa. kilala koxa. haha.

    napakahusay ng iyong paglalarawan astroboi. kaabang abang ang mga susunod na yugto ng destinys child...kailan kau mabubuwag??!! hihihi.

    -superkindergarten

    ReplyDelete
  2. tila kilalang kilala mo siya superkindergarten ah..hehehe

    nais kong ipaabot sau na matagal ng nabuwag ang Destiny's Child..nka ilang single hit songs na nga si ate Beyonce..chos!hehehe

    salamat sa pagbabasa!

    ReplyDelete
  3. huwaaat!!! natatawa ako astroboi. at ganap na beauty queen na pala si ian. ahahaha!!! in fairness,, napakalalayo ng mga pangalan. kaloka.. :p

    -Kiray

    ReplyDelete
  4. wow ang hot naman ni pol..hehe

    ReplyDelete
  5. @papa bravo - hahahah gusto mo ba makilala?hehehe let me know..i-schedule ko na date nyo hehe

    ReplyDelete