Monday, December 26, 2011

MMK "Regalo"

Dear Ate Charo,

Itago nyo na lamang po ako sa pangalang, Miss Water 2011. Isa pong karangalan para sa akin na mailathala sa inyong programa ang aking liham-kasaysayan.

Nagsimula po ang lahat noong ika-labing walo ng Disyembre taong 2011.

Nalalapit na noon ang aming naitalagang pagtitipon sa opisina para sa isang maliit na piging bilang pagdiriwang sa nalalapit na kapaskuhan. Noong araw po na iyon ay bumili ako ng regalong aking ihahandog sa kung sino mang makakapili nito.

Isang marikit, malambot at kulay berdeng unan at me kasama pang "branded" na Esprit na maliit na tuwalya na may kaparehong kulay ang aking napiling ibigay.



Napakasaya ko noon Ate Charo. Alam ko na sa loob ng aking puso ay matutuwa ang makakakuha nito sapagkat maganda ang aking napiling disenyo.

Buong puso ko po itong binalot sa isang ginintuang papel upang lalong maging kaaya-aya ang aking handog na regalo.

Makalipas pa ang ilang araw ay dumating na ang oras na aming pinakahihintay Ate Charo. Masaya ang lahat ng aking mga kasama nang magsimula na ang aming piging. Punong puno ng iba't ibang uri at espesyal na pagkain ang aming hapag.  


























Lahat ay puno ng kasiyahan na makita ang tumpok na regalo na tila naghihintay sa mapalad na makakakuha nito.


Hindi rin po lingid sa aking mga mata ang hangaring makakuha ng isang magandang regalo bilang kapalit ng aking piniling handog.

Masarap ang pagkain na nakahanda Ate Charo. Masaya ang lahat na pinagsaluhan ang kaunting pagkain hanggang sa aming kabusugan. At matapos nga ang kaunting salu-salo ay nagsimula nang magbunutan ng numero upang aming malaman ang aming maiuuwing regalo.

Bilang panimula ay naatasan akong unang bumunot. Puno ng kaba ang aking dibdib na kumuha ng naka-rolyong papel.

"Number 5" ang aking nabunot.

At aking ngang nakuha ang isang kuwadradong kahon na nakabalot sa isang puting papel na pang pasko. Natuwa naman ako sapagkat malaki ito ay may kabigatan. Sabik ko nang malaman kung ano ang laman nito, ngunit aming napagkasunduan na sabay sabay namin itong bubuksan kapag natapos nang makakuha ng regalo ang bawa isa.

Noong sandali pong iyon ay malalaman din namin kung kanino at sino ang nagbigay ng regalong aming nakuha. Si Kim pala ang nagbigay ng aking nakuha. Siya ay isang Intsik, maputi, may kahabaan ang buhok at may matinis na boses. 

Nagpatuloy pa ang pagpalitan ng regalo. Kung ako ang unang bumunot, ang aking regalo naman ay ang huling nakuha. Tila isang "Grand Prize" daw ito lalo pa't ito ay pinalamutian ng ginintuang pambalot.

Tulad ng napagkasunduan, sabay sabay naming binuksan ang aming nakuha.

Dagli kong pinunit ang papel na pinambalot, at aking nakita ang bulaklak na disenyo na kulay lila. Mayroon akong kaunting lungkot na nadama Ate Charo, ngunit akin na lamang nasambit sa aking sarili na "okay lang yan, at least hindi ka na bibili ng bagong bedsheet.."



Ang iba sa amin ay nakakuha ng "bath towels", malambot na tsinelas, "Starbuck Tumbler", "Body Shop Items", at kung anu ano pang magagandang gamit. Samantalang ako, BEDSHEET ang nakuha. Hindi ako bitter Ate Charo ngunit, bayolet kasi siya at me flowers eh..huhu


Tila napansin ata ng aking kasama ang aking reaksiyon at nagtanong siya sa akin,


"Athena, ano ang nakuha mo?" sambit sa aking ng Pilipinang ka-opisina.


"Ha?Yung nakuha ko?uhmmm eto oh..Bedsheet.." tahimik kong sinabi sa kanya sabay abot ng aking nakuha.


"Aaahhh..teka Bedsheet ba to..?" tanong naman niya sa akin.


"Oo..bakit hindi ba?" sagot ko naman.


"Parang hindi eh..pero Bedsheet nga ata.." sabi naman niya.


Tila napaisip nga ako at muli kong tiningnan ito. Mukhang hindi nga siya bedsheet Ate Charo. Muli akong kinabahan dahil tila iba nga ito sa aking unang inakala. Mayroong namuong pag-asa sa aking puso. Tinanggal kong muli ang plastik na nakabalot, at aking ngang napatunayan, hindi nga ito Bedsheet.



Opo Ate Charo, tama po ang inyong nakita.


"Ay hindi pala siya Bedsheet..PHOTO ALBUM pala.."


Mas masakit po pa lang malaman na isa itong PHOTO ALBUM. Hindi ko po lubos na matanggap na mayroon pa palang ganitong nakakaisip na iregalo. Maluha-luha kong na lamang niyakap ito habang dahang dahang umupo.

Sa aking pagkakatanda, ang Photo Album at Picture Frame ay matagal na pong na i-ban sa lahat ng aming Christmas Parties simula pa nung ako ay nasa elementarya.

Sadya po akong nalungkot sa mga nangyaring iyon. Nagsisisi po ako Ate Charo. Muli kong naisip na sana Bedsheet na lamang iyon at hindi Photo Album. Ngunit mapaglaro po talaga ang tadhana at mabilis nitong tinugunan ang aking kalungkutan noong inakala kong Bedsheet ito.

Wala na po akong nagawa. Pinilit kong ikubli sa aking sarili ang kalungkutang aking nadama. Sa kabila ng bawat ngiting aking binibitawan sa aking mga ka-opisina ay ang patuloy na pagnaig ng kurot sa aking puso.

Ngayon po ay patuloy pa din ako sa pagtanggap sa aking sarili sa aking kapalaran, ngunit nananatili po akong matibay sa kabila nito.

Kasalukuyan po akong naghahanap ng films ng Kodak at FujiFilm upang magamit sa lumang camera na aking naitabi noon. Naniniwala po kasi ako na sa kabila ng iPhones, iPads, DSLR Cameras, 3G at 4G na mga gadgets ngayon ay kaya kong makipagsabayan sa kanila.

Nawa'y mayroon pong natutunang isang mabuting aral ang inyong manunood sa aking payak na liham.

Lubos na gumagalang,

Athena



P.S.
Ate Charo, meron pa po bang nagpprint ng mga 3R, 4R at mga 5R na size na litrato?Refer nyo na lang po sa aking if may alam po kayo. Thanks girl!Nga pala, namiss ko yung lampara sa side table mo. hihi Ciao!


Tuesday, December 20, 2011

gunshot

i was shot..


yes dear..


and sariwa pa ang sugat..


i didn't expect it to happen..


anyway here is the story..

 

last Sunday, before going to the Simbang Gabi, i went to the mall with Shamcey, her cousin Leslie, and our Landlady Ate Che..i planned to look and buy for a gift for our upcoming mini Christmas Party/Exhange gift-giving activity sa office..

we looked around the mall to look for a something-to-use and unisex Christmas Gift..

since it's Christmas naman, and generous naman akong tao, i'm thinking to go beyond the 20-dollar gift value and instead, eto nalang bibilhin ko para maging masaya naman sila..

something that can be used..check..!!!

unisex..check na check...!!!

$20.00 minimun cost..check na check na check..!!!

chos!


after looking around, i finally decided to have these for my Christmas Gift..




since, i focus myself and keen towards environmental protection and preservation, pinili ko ang green (olive green in particular) na color para naman akmang akma sa aking legacy..hihihi

 
sinamahan ko na din ng Esprit na hand towel para if maglaway siya habang gamit ang pillow eh me pamunas siya..perfect combination di ba?hehe



after paying the 21.80-dollar gift (at least mas mahal sa agreed cost namin, san ka pa wala pang wrapper yan..dagdag cost din yun noh hihi), we left the the store and went around pa before leaving the place..

suddenly me nakita si Ate Che na shop na me strange-looking, tiboli tribe-member hip-hop girl..sabay lingon saken,


 
"Athena!pabutas tau tenga you want?!!"


owmaygash!


this is it!


sa mga hindi pa nakakaalam, nakadikit lang po yung earrings ko nung sumali ako ng pageant..wala pa talaga siyang butas..chos!


seriously, I have been planning ages ago na magpabutas talaga ng tenga..takot lang kasi ako hehehe..alam nyo naman, hindi ako sanay sa mga tusok tusok na ganyan..lels


confused na confused ako that time if igo-gow ko ba or hindi..takot kasi ako hihihi


"cge ako na muna papabutas, tapos sunod ka..papalagay kasi ako ulit ng isa pang butas eh.."


todo convince pa si Ate Che..


then the next thing i remember, hawak na ng tiboli tribe-member hip hop girl yung left ear ko..

pinaluguan ng alcohol/antiseptic..

tinuldukan ng marker..

tinutukan ng baril..

BANG..!!!


TADAAAAAHHHH,,..!!!

in fairness, hindi pala siya masakit hehe..mas nagulat pa ako sa tunog ng gun na ginamit kesa sa sakit..buti na lang hindi ako nahimatay..harhar

it has been 4 days since natuhog ang aking virgin na tenga..hihi and so far wala namang signs of any infections or whatsoever..

and so far i have been enjoying seeing it in my ear..mas lalo palang nakakaganda..char!

so sa mga magbibigay ng gift saken diyan, pwede nyo nang idagdag sa pagpipiliian itong mga to:






promise mga ganyang sizes lang ha, ayoko kasi ng masiyadong mabigat at masiyadong agaw pansin..alam nyo naman shy ako..

char!

Merry Christmas..!

Thursday, December 08, 2011

singapore sirena

last Saturday, we received a group message from Shamcey..

"girls, i wanna go swimming.."

abah, first time atang mag aya si Shamcey ng ganitong ganap..for the past months na magkakasama kaming tatlo, si Venus at ako ang laging nag aaya ng mga pasyal/ganap/paglalandi..

so, todo support naman kami ni Venus sa pagnanais ni Shamcey na isuot muli ang dala niyang costume ni Ariel sa Little Mermaid..and since si Shamcey ang nagisip ng ganap namin, we need to contribute something naman kaya in siya na rin ang pinilit naming magsponsor ng food..hihi

in fairness, sabik ata siyang makakita ng naka-trunks na lulur swimming pool na me waves kaya nag agree naman siya agad na manlibre ng 2 medium-sized pizza..hihi (salamat sis!)

to cut the story short, we agreed to meet and go swimming sa Jurong East (the place is near, Venus' area)..

since si Venus ay walang pasok at ako ay half day lang pag Saturdays, i went home agad after my work. I took a nap then before 6pm paalis na ako ng baluer dala ang costume ni Shamcey for swimming..me pasok kasi siya buong araw ng Saturday kaya ako na lang nagdala ng two-piece at Suntan Lotion kahit na gabi kami magsswimming..

It was around 6:30 na ang i was on the train na going to the place when suddenly, biglang dumilim ang kalangitan at nagbadya ng isang malakas na ulan..

and the next thing i remember, kumakanta na lamang ako ng Through the Rain ni ate Mariah Carey..


DISCLAIMER: This video is for illustration purpose only.. hindi ako yan noh!hihi

we are not actually sure if open yung pool with that kind of weather condition..but still we decided to push through with our major event of the year..chos! afterall, nakapagorder na daw pala si Venus ng pizza na pinadeliver sa venue..

so gora pa din kami..

it was 7:00pm na when we arrived at the venue, and guess what??

yes you are right..


"CLOSED DUE TO THE BAD WEATHER"


they have to close it daw for safety purposes..


halluer??!!


ambon??!!


safety??!!


ano yun bka pag naulanan kami eh mababasa kami while nasa pool??!!


chos!


we can go inside naman daw pero swimming is not anymore allowed..


so nagkaroon muna kami ng conference of beauties if papasok kami sa loob to wait for the pizza and kumain na lang without out bathing suits kasi di naman pwede maligo or wait for the pizza na lang then go home sa baluer at dun lafangin ang fudashey..

after ng Bi-cameral conference meeting ng mga Babaylan, we have come to a sad decision: wait for the pizza and go home sa baleur para kaninin nalang dun..

pero mukhang gusto talagang lumandi gumanap si Shamcey..after daw naming kumain eh gora kami ng bar na itatago natin sa pangalang Taboo hihihi..

since hindi kami mga kaladkaring babae ni Venus eh siyempre nag agree kami agad sa idea..kami pa!hehe

so while we are waiting for the pizza napansin namin na me mga nasa pool na ulit na naliligo..

we thought the pool was already closed??!!

takbo naman kami agad sa entrance to verify why me mga nasa pool..

mukhang narinig ng mga diwata ang aming mga pagsusumamo, it was opened ulit and pwede na daw magswimming until 9:30pm..so go naman kami agad!

pagkatapos naming magbihis ng kanya kanyang bathing suits eh, dumating na din ang pizza..hihihi

too bad wala masiyadong tao..wala pa ata kaming 10 sa pool eh..pero infairness iba't ibang lahi iyon noh..lahat nga lang sila nagtatagalog..hihihi

siyempre hindi mawawala ang official song ni Shamcey habang nagsswimming..



Disclaimer: Hindi rin po si Shamcey yan hihih

anyway, it was fun naman kahit wala kaming nakitang mga boys..we are very wholesome that night mga ateh..beauty queens ang mga peg namin nun hihi

here are some of the photos pala..
L-R: Venus, Shamcey, and yours truly Athena

Counterclockwise: ang pizza, ang pizza ulit, si Venus, ang bubong ng cottage, si Shamcey, and yung nipples ni Shamcey hihi!

sorry mga teh wholesome ang ganap namin..alam ko namang sabik kayo sa mga mahahalay na kwento..don't worry malapit na..chos!

hihi

Tuesday, December 06, 2011

I won!

"Athena Imperial bags 3rd Place on Miss Earth 2011 Beauty Pageant"



Yes dear readers, I won..

I am officially crowned as the Miss Water 2011..



Miss Water talaga ang aim kong kunin kasi gusto kong tulungan ang mga ibang nilalang sa ating bansa na tuyot na sa pagmamahal at pag aaruga..

ako na ang naitalagang magdidilig ng suka sa nanunuyo ninyong lumpia..chos!

Once again, Philippines proved to the world that we, Filipinas, have what it takes to showcase the best combination of beauty and brains..

and for my first project, I will be coordinating with Maynilad and Manila Waters to conduct my first-ever humanitarian project as Miss Water 2011..

this event willbe named as the Libreng Ligo Project..personally spearhead by yours truly, Athena..

and since I will also promote the Save Water Save Life Project, dapat sabay na sabay ang pagliligo and ako mismo ang mag scrub sa mga pipila for the project..

please note that this event will only be strictly for boys only, since sila ang mga mas madudumi..so sila ang target kong linisin..

chos!

Wednesday, November 30, 2011

World AIDS Day



December 1, 2011

today is world AIDS day..

it's not enough that we are aware about its existence..

let's be informed..

let's be vigilant..

and let's do something about it..

stop spreading the virus..

get yourself tested..

NOW..!


My HIV Test Result (scanned copy taken from my PC)

Wednesday, November 23, 2011

i'm back!

harrrrrroooow!

you might be wondering ba't antagal ko ulit bago makapag post ng entry..hindi po ako nagkasakit or nag out of town..

sorry mga teh, i've been very busy with my humanitarian and environmental activities kasi..you know naman, i have to fullfill my duties..lifetime advocacy ko na kasi na tumulong at magbigay kasiyahan sa ating kapwa..hihi





tree-planting, feeding program, scholarship grants, pa-basketball/pa-liga ng barangay events, pahingi-ng-allowance projects, oplan penge-naman-ng-bagong-cellphone, ibili-mo-naman-ako-ng-bagong-damit-at -pantalon operations at kung anu ano pang activities na kelangan ng presence ko ang aking pinagka abalahan for the past days..chos!

seriously, i've been busy with my work since the time i posted my last entry..i've been extending hours and hours after 6pm para lang ma-meet yung deadline namin for our submission..buti na lang natapos na siya..hoping na sana tama yung mga pinagco-compute kong values..hihi

in all fairness, kahit na panay "krook krook" ang naririnig mula sa Grindr ko, i can't help but to ignore those indecent proposals..


yes..


tinanggihan ko lahat ng alok nila..


hindi ako sabik sa laman..


kahit na me kasamang d*ck pic pa..


hindi ko pinatulan..


(napalunok na lang ako pag nakikita ko..hihi)


busy kasi ako..


sabi ko naman sa inyo eh..


malinis akong babae..


wala akong bahid ng kalaswaan..


kaya kong tanggihan ang tawag ng laman..


and now..


i'm back..


and my body is extremely longing for satisfaction..


i was once deprived..


but not anymore..


the intense feeling of hunger inside of me is screaming out loud..


and i'm craving..chos!


raaaarrrr!!aaarrgggghhhh!!!

oo ganyan ako pag gutom..hihihi

heniway, medyo nalungkot lang ako kasi i missed the first monthsary of my blog..na-realize ko na lang na it has been one month na pala since i started this very educational and rated GP na blog..and i'm not prepared for a bonggang entry..


bawi na lang ako next month..


or better yet neks chur na lang..


sa anniv..anniv???!!haha


chos!

Tuesday, November 08, 2011

iPhone 4s


"iPhone 4s will be launched here in Singapore on the 28th of October 2011" - news


in fairness, i have been patiently waiting to have the latest iPhone for the past months simula nung dumating ang kagandahan ko dito..supposedly, kukuha na sana kami ni Shamcey ng iPhone 4 last month..but since madaming chikka me meron ngang lalabas na iPhone 5 this October, eh na-defer ang aming planong pagkuha ng line..

until lumabas na ang news na it wasn't really an iPhone 5, but an iPhone 4s instead..anyway, kahit anong iPhone pa yan kukuha talaga kami..mas mabilis kasing mag Grindr dun compared sa iPod Touch..hihi chos!

and finally, ni-lauch na dito sa Singapore ang most-awaited iPhone namin ni Shamcey..we planned na huwag muna kumuha on the first day kasi we are very sure na matatalo nito ang pila sa No Other Woman ng Star Cinema..hehe

so we agreed to have it on Sunday, two days after the launching..but since eggxited akez, and since halfday naman ako sa work tuwing sabado, ay nagmall tour na ako kung saang meron pang stock ng iPhone 4s..

prior to my mall tour pala, i called one of our preferred network provider to ask if me stock pa sila, but unfortunately wala na daw sa kahit saan..so when i got into the mall, sa ibang network provider na lang ako naghanap..

we planned to have the 16gig Black iPhone 4s, but the network provider na una kong pinuntahan does not have anymore stock for the black one..white na lang daw ang meron..

mega call naman akez kay Shamcey to ask if okay na yung white..nagkakaubusan na pala talaga ng stock..!


"wit ko betsungchina ang white na iPhone Athena...helloooo???para kayang plastic yun..parang laruan lang..and duh!!white??as if malinis kang babae like me.."

okay.


fine.


well.


me point sya.


hindi nga ako malinis na babae.


chos!


so mega tumbling naman ako sa kabilang network provider to ask if meron pa silang black, and yes!meron pa daw..!and, right then and there, pumila na ako to have my number..i told you hindi ako eggxited!
"helluer?Shamcey?meron pa daw black na stock ditey sa kabilang network keme keme..and nakapila na akez..let's getsungchina na ngayon kasi bka 2 weeks pa daw ung next na batch..!medyo madami pa namang tao so direcho nalang kau ditey after work nyo..okay?"

it was around 2:30 pm when i started to get on queue..i need to be evaluated daw muna if i have the right requirements and if im qualified to have the unit..sa ganda kong toh, nagduda pa sila!palibhasa ngayon lang sila nakakita ng ganito kagandang creature..char!

it was around 3:00 pm when i was evaluated..i gave then the requirements: Passport, Identification Card, Proof of Billing, 3 sachet of Creamsilk White conditioner, 5 packs of Strawberry-flavored oreo, 1-50 ml empty bottle of Eskinol, my sash, and of course my ever precious crown..chos!

the girl confirmed that im qualified (of course!as expected hihi!) and she gave me a number..then they instructed me to get on the other queue..


and to my surprise..


hindi ko halos makita yung dulo!


umabot pa pala sa CR ng mall yung end ng pila..but i have no choice, for the sake of Grindr eh kelngan kong magsacrifice..so placed my crown again on my head, made a 180-degree turn and went sa end ng pila..


at naghintay..


ng ilang oras..


3:30pm..


4:30pm..


5:30pm..


6:30pm..


after few hours (few hours???!!!) kong nakatayo, i reached the counter na..and told them i want to have the 16GB Black iPhone 4s blah blah blah..then they told me to go inside their shop and wait for my number to be flashed on the screen..

i verified my number again,

"4079"

then i looked on the screen inside kung anong number na,

"NOW SERVING NUMBER: 4056 - Counter 2"

josko..akala ko ako na, wit pa pala!pero at least me upuan na noh!so immediately umupo na muna ako sa couch and took off my Kermit Tesoro shoes..




ilang oras kaya akong nakatayo noh!ang mga varicose veins baka magsilabasan..hehehe..

pagkaupo ko eh tawag agad ako ke Shamcey to ask nasan sila..they are on the way na daw..kasama niya yung kaibigan namin na girl, who happens to be our roomate also..kukuha na din siya para 3 na kaming naka-iPhone 4s..

it was past 7:00pm, when my number was flashed on the screen..but right before my number was called, dumating na sila Shamcey and nakapila na din ever..

isang Chinese guy na hindi naman kaguwapuhan ang nag assist sa akin (sad tuloy ako..) i told him i want to have the new iPhone4s blah blah..and since they are giving monthly rates if 3 lines or more ang kukunin, i asked him if i can pull out my two other friends that were on queue and get the three lines..after giving him my sweetest smile, pumayag naman siya agad..so bongga!

i was hesitant at first kasi sa number na binigay saken kanina sa pila eh me nireserve na na isang unit lang..so i can't make singit the other 2 units if ever kasi meron pang nakapila before kina Shancey..since nabighani siya sa tangi kong alindog ay madali siyang pumayag..

instantly, kaming 3 na yung nasa harap ng service crew..we availed the 3 lines, but the thing is, it will be signed up under my name..so basically pag hindi nagbayad ang mga hinayupak na kasama ko eh lagot ako..ahuhu

but!if me concern sila sa unit nila eh kelangan nila akong hanapin kasi under my name nga ung mga lines nila..hehehe

after 48 years of waiting, natapos din ang transaction..we paid the corresponding fees, then went to the nearest iPhone accessory shop to buy screen protectors and casing and went home..

sa wakas..

nasa aking mga palad na...



Oo mga Ateh, polka dots ang bed sheet cover ko..hihihi

so far, I've been really enjoying this phone..siyempre aside from Grindr, madami na akong pwedeng gawin..xtube, gaytube, xlive, tube8..anytime anywhere..chos!

thanks to iPhone 4s 'coz until this moment, wala pa kaming matinong tulog..kasi todo kalikot pa kami ng iPhone hanggang madaling araw..


hihi


Note: Sorry for the late post..busy akez with my latest humanitarian activities..chos! FYI guys, i'll be busy na muna for the next coming weeks..=( but i'll try my very best to update you..

Tuesday, November 01, 2011

si nurse jay, part 2

For Part 1, click  HERE

nasundan pa ng madaming beses na pagkikita ang nangyari sa pagitan namin ni Nurse Jay..

kung mayroon siyang bakanteng oras, ay nagkikita kami sa hapon pagkatapos ng trabaho ko at pagkatapos ng review niya..

kumakain ng dinner o kaya'y nag kakape sa Starbucks at nagkukuwentuhan ang aming palaging pinagsasaluhan sa tuwing kami ay nagkikita..

hinihintay ko na lamang ang pagkakataon na sa Sogo Hotel naman kami magkita..ngunit dahil dumadaloy pa din sa aking mga ugat ang dugong Maria Clara ay kinimkim ko na lamang ang pagnanais kong iyon..hihi

Nasa Greenwich Taft kami noon at patapos nang kumain, nang bigla siya naglabas ng isang kahon na nakabalot sa berde at puting pambalot..



"Engineer, eto para sa'yo.." sambit niya saken habang inaabot iyon.


"ha?ano to?bakit..?" tanong ko naman sa kanya.


"kasi di ba birthday mo last month eh hindi kita nabigyan ng regalo..kaya eto.." sagot niya.


"eeesshh..ikaw tuluguh!!i heyt shurprayshes eehh.."



hindi ko inaasahan ang biglaang paghaba ng aking kalbong buhok mga ate..siguradong mahihiya si Rapunzel sa haba ng hair ko nung gabing iyon..


halos isang buwan na kasi ang lumipas mula ng birthday ko kaya ikinagulat ko talaga ang regalo niya sa akin..

pagkauwi ko sa bahay ay dahan dahan kong binuksan ang regalo niya..iningatan ko pa ang pambalot na kanyang ginamit..at ito pala ang kanyang handog na binigay sa akin..


sorry guys, wala ako actual picture


habang nilalagyan ko ng yellow na hair rollers ang aking hair ay agad akong nagtext sa kanya at muling nagpasalamat sa binigay nyang regalo.




"para sa'yo talaga yan Engineer..binili ko yan kasi ganyan din yung pabango ko..para lagi mo akong maalala.."

hooonggtttoorroooooyyy!!!

pati ata ung ingrown ko eh kinilig matapos kong basahin ang message niya..hihihi

nagpatuloy pa ang aming constant communication ni Nurse Jay kahit natapos na ang kanyang review sessions ng IELTS at umuwi na ng Bataan upang bumalik sa trabaho..

there was even a moment na para na kaming mag jowa dahil sa palitan namin ng mga matatamis na messages..

ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana ate charo, unti unti ring nabawasan ang text messages namin sa isa't isa..marahil ay palaging hindi nagtatagpo ang aming schedule..

lagi siyang pag gabi sa duty niya sa hospital, kaya't sa araw siya ay tulog maghapon..

ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin kami nawawalan ng communication..maya't maya ay nagpaparamdam pa rin thru text or thru facebook..

hanggang sa dumating na ang malungkot na balita sa akin..

tuloy na daw ang kanyang application sa Middle East..

nangilid ang luha sa aking kaliwang mata nung nalaman ko ang kanyang balita..


mas nalungkot ako kasi hindi pala waterproof ung mascarang nabili ko sa Sarah Lee..char!!

hindi ko na ito ikinagulat dahil simula't sapul pa lang nung kami'y magkakilala ay plano na talaga niyang mangibang bansa..

ngunit mayroon kurot sa puso mga teh..mashakit din pala..ouch!

masaya ako para sa kanya, dahil pangarap din kasi niyang mangibang bansa..at ako naman, bilang kanyang butihing kabiyak, ay sumusuporta lamang sa kanyang mga plano sa buhay..para san pa't at sa ikabubuti din ng aming pamilya ang kanyang gagawing sakripisyo..char!

ika-31 ng Disyembre ang kanyang pag alis ng bansa..dahil sa hindi pagtugma ng aming mga schedule ay hindi na namin nagawang magkita pa bago siya umalis..

nasa probinsya din kasi ako ng aming bayan sa Queenstown at kasama ang aking Royal Family kaya't wala ring chance na magkita kami sa Maynila bago siya lumisan..


itutuloy...

Saturday, October 29, 2011

si Rain, si Ate Venus, at ang Glutathione

last Wednesday, holiday dito sa Singapore kaya naman hindi nagpapapigil si Ate Venus para rumampa at ipakita ang kanyang dancing prowess sa gimikan..

ika nga niya,

"mga teh, sayang naman ang chance na pwede magpuyat kasi walang pasok bukas..kaya't isuot na ang crowns, sash at mga evening gowns, iwan na ang scepter at cape, at gumora na with me..!"

ngunit since domesticated beauty queens kami ni Ate Shamcey, ay we chose to stay at home and mag gantsilyo na lang..char!

pero bago pa man maghasik ng lagim si Ate Venus sa gimikan ay nagpaschedule muli siya sa aming nurse / landlady (Ate Che) upang magpa-inject ng miracle drug na itatago natin sa pangalang, glutathione..

hindi naman actually maitim si Ate Venus, gusto lang niyang mawala ung blemishes niya sa skin at siyempre nais niyang pumuti ng kaunti..kaunti lang talaga promise..

The 16-year-old Ate Venus

actually, last week nagpa-inject na siya kay Ate Che ng dalawang drum ng glutathione..one shot lang and ayun, pasok na sa banga..

since concentrated talaga ang dark tone sa skin ni Ate Venus, ay pumunta ulit siya sa aming baluer dala ang kanyang paraphernalia para muling magpa-inject..

unfortunately, me birthday party na pupuntahan si Ate Che that night..paalis na nga sila ng kanyang asawa nung dumating ako sa baluer..

ngunit sadyang pinagpala lang talaga si Ate Venus sapagkat, darating pala si Rain nung gabing iyon para bumisita at makiovernight..

tila alam na din ng aming landlady ang mga kaganapan, kaya't ibinilin na lamang niya kay Rain ang pag-inject..

nang malaman ang magandang balita, dagling nagsuot ng Vera Wang creation at sumaglit sa parlor si Ate Venus para ipablower ang kanyang hair bago pumunta sa bahay..excited at nagtutumalon siyang dumating sa amin..

Si Ate Venus habang papalapit sa aming baluer

sapagkat ito na ang pinahihintay nyang pagkakataon..


ang pagdadaupang-palad nila ni Rain..


si Rain..


si Rain na walang malay..


si Rain na guwapo at inosente sa aming pagnanasa..


si Rain na ang tanging kasalanan ay maging masarap at masustansiya..


hihi..


nung huling nagpa-inject si Ate Venus kay Ate Che ay mabilis lang..hindi nga siya nasaktan o kinabahan man lamang..walang preysuyr na nadama..

samantalang ngayon, ay todo ang kabog ng kanyang dibdib..mas kabado pa siya kesa nung kumuha siya ng HIV test sa hospital..chos!

inihanda na ni Rain ang mga gamit..pinaghalo ang mga gamot..relaxed naman si Rain habang ginagawa iyon..samantalang si Ate Venus ay di mapakali sa kanyang pag kakaupo..

simula na ng pag-inject..

tumuwad na si Ate Venus kasi ipapasok na ni Rain...ang karayom..chos!

nilagyan na ng tourniquet ni Rain ang kamay ni Ate Venus..

"hinga ng malalim.." sabi ni Rain sabay turok ng daliri sa waputs ni Ate Venus.

char!siyempre ung karayon sa ugat noh!

Si Rain, Si Ate Venus at ang Glutathione

hindi nakatingin si Ate Venus sa ginagawa ni Rain..habang nakahawak ako as isang kamay niya ay nakita ko ang butil-butil na pawis niya sa kanyang noo.

"hoy Ate Venus!shuket kung pag pawisan ka ngayon eh parang daig mo pa ang bino-bottom ng limang lulurki ng sabay sabay?? eh nung ke Ate Che wit ka naman ganyan!" sabi ko sa kanya.

"che!chosera!siyempre si Rain ang nag-iinject noh..preysured akez!at parang masakit siya..kulang ng lubricant ata..chos!" sagot naman niya sa akin.

"masakit ba..?" tanong naman ni Rain na tila narinig ata ang nasambit ni Ate Venus.

"medyo.." mahinang sagot ni Ate Venus habang nakatitig sa mga malalaking maskels ni Rain..hihi

tiningnan ni Rain ang ininject niya..


naputol pala ang karayom at naiwan sa ugat ni Ate Venus..


chos lang!


tila may mali atang naganap..


kayat tatangalin na lang daw muna niya..


tama nga ang aming hinala..mayroong hindi tama sa pag-inject ng karayom..hehehe kaya't me take two..

"hinga ng malalim.." sambit muli ni Rain sabay ng pangalawang pagturok nya ng injection sa ugat ni Ate Venus.

this time sakto na, pasok na pasok..at dahan dahan namang pinu-push ni Rain ang diluted glutathione na nasa syringe..

marahil ay na-pressure lamang si Rain sa kalandian kaharutan pang aasar namin kay Ate Venus..kaya't namali siya sa unang subok nya..pero kahit naman ilang mali pa yun keri lang yun ke Ate Venus basta't si Rain ang hahawak sa kanyang mga kamay..hihi

matapos ang agaw-buhay na pag-inject ng glutathione, ay siya namang pag interview namin ni Shamcey kay Ate Venus..


"ateng, aning nangyari?keri naman ba ang pag inject ni Rain sau?"

"mga teh..anlambot ng kamay niya..sarap hawakan..ayeee..hahahah..at ang dibdib nya, amputi puti sarap sigurong dila-dilaan.."

well obviously, nagenjoy naman siya sa pag-inject sa kanya ni Rain kahit na masakit..marahil, kahit ilang beses pang magkamali si Rain eh okay lang sa kanya..

di alintana ang sakit..basta't sa ngalan ng pagpapaganda at sa ngalan ng paglalandi..

at sa tingin ko mas mag eenjoy pa siya if ibang injection ang ginamit..sa isang katulad ba naman ni Rain at sa landing taglay ni Ate Venus..perfect combination..hhihi

anyway, hindi pa naman nagtake effect ung glutathione sa balat ni Ate Venus..sadang mapait lang siguro ang tadhana niya sa kanyang Jinky Oda-inspired na balat..chos!

balitaan ko na lang kayo if pumuti na siya at pumantay na ang skin tone nya..kung kelan pa yun, well, ahmm..hahaha..

abangan na lang..hihi

Thursday, October 27, 2011

si nurse jay, part 1

ayon sa naarok ng aking mga beki brain cells, sa yahoo chatroom ko ata siya unang nakilala..dun ko siya unang nakausap..

kung hindi ako nagkakamali, november 2009 kami unang nag landian nagkachat..

isa siyang nurse na graduate ng isang kapita-pitagang paaralan sa Maynila at nag tra-trabaho sa probinsya nila sa Bataan..

magkasing edad lang kami ni Nurse Jay..sweet 16 ako nun, 17 naman siya..char!

sa kabila ng pagpapalitan namin ng cellphone numbers dati ay hindi ko siya nagawang i-text or tawagan matapos ang matagal naming pagkkwentuhan sa chat..

nag alinlangan kasi ako nung makita ko ung picture na sinend nya sa akin..

Nurse Jay
iyan ang mismong larawan na sinend niya sa aking nung nagkachat kami..

hindi ako agad naniwala sa kanya dahil gwapo, matangkad, maputi, at halos artistahin naman pala ang kausap ko..

sa katulad kong sing ganda lang ni Athena Imperial ay hindi agad naniwala..(tong ganda kong toh makakabingwit ng ganyang nilalang??weh??!chos!)

inisip ko na lang hindi sa kanya ang picture..baka ginamit lang nya upang linlangin ang kagandahan ko at nagpapanggap..

makalipas ang dalawang buwan, muli kong nakita ang number niya sa aking 5110 Nokia cellphone with my lavender housing..


sinubukan ko lang itext siya para malaman if meron pa yung number na iyon at hindi nga ako nagkamali..gamit pa rin niya iyon at nasa Maynila pala siya at nagrereview ng IELTS..

muli kaming nagkausap thru text simula ng araw na iyon..nanumbalik ulit ang saya at kilig na aking nadama nung una kaming magkausap sa chat..


oo na-wet ako..chos!

mabait kasi siya, at unlike sa iba, hindi siya yung tipong binabalot ng kalandian sa katawan..

gentleman..

bagay na bagay sa katulad ko..

kimi at mayumi..


puro at dalisay..

 
dahil naubusan ang Mercury Drug ng Katialis, ay inaya ko siyang makipag meet sa akin sa Mall of Asia..buti na lang at hindi siya tumanggi sa alok ko..(ang ganda ko kasi..hihihi)

since shy ako (promise!shy talaga ako noh!!)  at hindi ako sanay sa mga meet ups, eyeball, sex eyebal, etc. ay nagpasama ko sa aking kaopisina..

sa Mcdo ang aming napagusapang tagpuan..

at habang hinihintay siya ay umorder muna ako ng fries..

hanggang sa tumunog ang aking cellphone at nagtext na siya..

"4nd!t0uw n4 p0u 4k0uhz..4s4n k4?"

kinabahan ako bigla..

tumingin ako sa paligid upang hanapin siya at mula sa kalayuan ay nakita ko na siyang naglalakad..


shet..


hindi nga nagsisinungaling ang larawan..


siyang siya mga ateh..


5'9"..


matipuno..


maputi..


guwapo..


suot ang itim na Kenneth Cole na t-shirt, ay nakangiti siyang lumapit sa aming kinauupuan..


hindi kinaya ng Carefree Ultra Thin panty liner ko ang aking nakita..sumaglit muna ako sa sa Watsons at bumili ng Modess All Nights at dagling nagpalit ng shield..hihi


hindi ko pa sinasabi ay tila alam na ng kaibigan ko ang gagawin, at nagpaalam na upang bigyan kami ng privacy sa aming sex eyeball meet up.

inaya ko siyang kumain sa isang grilled burger fastfood (sorry hindi ko na matandaan ung place pero ung brand ng damit nya natandaan ko hehe siya kasi ung focus kong kainin hindi ung inorder naming pagkain hihi)..

nagkwentuhan kami na parang matagal na kaming magkakilala..tungkol sa trabaho, pamilya, at sa aming future bilang mag sing-irog..hihihi

Nurse Jay tawag ko sa kanya, Engineer Athena naman ang tawag nya sa akin..hihi

ang saya ko ng gabing iyon..panay ang hawi ko ng aking bangs habang nagtatawanan at nagkukulitan kaming dalawa..


ngunit hindi ko pwedeng talunin si Cinderella kaya't bago pa sumapit ang alas-dose ng gabi, umuwi na rin kami..

ng magkahiwalay..oo mga ate, wholesome ako that night..

di tulad ni Cinderella ay wala akong naiwan na glass slippers..ang naiwan ko ay ang plastic ng Watsons na laman ang bagong bili kong Modess All Night pad..

sumakay na ako ng karuwahe at umuwing nakapikit at puno ng ngiti ang mga labi..

iniimagine ko kasi kung makukuha ba niya yung Modess All Night at pupunta sa aming palasyo upang isukat ito sa akin..hihihi



itutuloy...