For Part 2, click here
FYI: this entry has been made october last year. supposedly ito na ung last part but something happened and then i realized, i have to make the fourth part pala..hehehe
-------------------------
sa pagbungad ng taong 2011 at siya namang hudyat ng paghihiwalay ng aming magsing-irog na si Nurse Jay..
buong puso kong tinanggap ang kanyang paglisan kasama ang aking mga panalangin na muli ko siyang makita at matikman ang kanyang natatanging alindog..hihi
hindi ko alam kung sadyang mabait talaga siya, o kaya naman ay mahal niya talaga ako, or sige na nga, maganda talaga ako sapagkat hindi siya nakalimot tumawag sa akin nung dumating siya doon..marahil ay nararamdaman niya ang aking pag aalala kaya siya'y tumawag..
"Engineer, andito na ako. Okay naman dito maayos naman kami..mga Pilipino din ang mga kasama ko sa bahay.."
sa pagkakataong iyon, ay nadama ko ang pakiramdam ng mga kababaihan na iniwan ng kani-kanilang mga asawa upang maghanap buhay sa ibang bansa..sapagkat isa na akong katulad nila..hihi
makalipas pa ang ilang buwan ay nagpasya na din akong umalis sa aking trabaho at paunlakan ang imbitasyon ni Ate Venus na magtrabaho na kami ni Shamcey dito sa Singapore..
kay Nurse Jay ko din unang sinambit ang mga naging plano ko..mula sa araw ng pag alis, lugar na titirhan dito sa Singapore, at pati brand ng panty na isusuot ko pag nagkita kaming muli..ganyan ka-detalye akong mag kuwento sa kanya..
naalala ko pa, todo siya magsend ng message sa akin sa Facebook nun upang makibalita kung me interview na ako, kung may trabaho na ako, at kung okay ang kalagayan ko dito..
napakasarap pala na me kasama kang nagaalala sa mga nagiging balakid mo sa buhay..ngunit wala nang mas sasarap pa sana kung matitikman ko na siya..hihi
kahit nasa magkabilang panig kami ng mundo ay hindi pa rin kami nakakalimot na magkamustahan..hanggang minsan nasabi niya sa akin na uuwi daw siya ng Pilipinas (early 2012) upang magbakasyon..
plano ng kaniyang pamilya na sila ay magpunta ng Boracay sa kanyang bakasyon..masaya ako para sa kanya sapagkat alam ko namang sabik na sabik na siyang makasama ulit ang kanyang pamilya sa Bataan..
pero since ang scientific name ng aking pangalan ay malandicious makatinensis hindi ko napigilang tanungin kung me chance bang magkita kami if uuwi din ako pag umuwi siya ng Pilipinas..
"oo naman Engineer!" yan masiglang sagot niya..
kung alam ko lamang ang date ng kanyang bakasyon ay talagang magpapabook na ako nung araw na iyon pauwi ng Pilipinas hehehe..
ewan ko ba ngunit sadyang mabait ata ang tadhana sa akin, sapagkat mayroong magandang balitang sinabi sa akin si nurse jay..
pictures
sa sobrang saya ko eh tinawagan ko agad ang Sanofi-Aventis upang mag order ng one year unlimited supply ng Lactacyd..uugaliin ko nang gawin itong mouthwash in preparation for the upcoming event next year..chos!
hindi ko lubos maisip na dito pa kami magkikita ng aking iniirog..
ansaya ko nang matanggap ko ang mensahe niyang iyon..
sa sandaling iyon ay madami nang naglalaro sa aking isip..
ang puting kumot..
ang bote ng red wine sa side table..
ang mga nagkalat naming saplot sa paligid..
hay..
tamang tama, sa March din ang birthday siya, sisiguraduhin kong magbo-blow siya ng candle ng kanyang birthday cake, at didilaan nya ung icing ng cake ko..chos!
hahaha
itutuloy..
NOTE:
my apologies..
sorry if i haven't updated my blog since my last post..madami lang naganap sa buhay namin nina Venus at Shamcey..busy kasi sa mga sari-sarili naming areas of responsibility..
more stories to come..=)
No comments:
Post a Comment