Monday, December 26, 2011

MMK "Regalo"

Dear Ate Charo,

Itago nyo na lamang po ako sa pangalang, Miss Water 2011. Isa pong karangalan para sa akin na mailathala sa inyong programa ang aking liham-kasaysayan.

Nagsimula po ang lahat noong ika-labing walo ng Disyembre taong 2011.

Nalalapit na noon ang aming naitalagang pagtitipon sa opisina para sa isang maliit na piging bilang pagdiriwang sa nalalapit na kapaskuhan. Noong araw po na iyon ay bumili ako ng regalong aking ihahandog sa kung sino mang makakapili nito.

Isang marikit, malambot at kulay berdeng unan at me kasama pang "branded" na Esprit na maliit na tuwalya na may kaparehong kulay ang aking napiling ibigay.



Napakasaya ko noon Ate Charo. Alam ko na sa loob ng aking puso ay matutuwa ang makakakuha nito sapagkat maganda ang aking napiling disenyo.

Buong puso ko po itong binalot sa isang ginintuang papel upang lalong maging kaaya-aya ang aking handog na regalo.

Makalipas pa ang ilang araw ay dumating na ang oras na aming pinakahihintay Ate Charo. Masaya ang lahat ng aking mga kasama nang magsimula na ang aming piging. Punong puno ng iba't ibang uri at espesyal na pagkain ang aming hapag.  


























Lahat ay puno ng kasiyahan na makita ang tumpok na regalo na tila naghihintay sa mapalad na makakakuha nito.


Hindi rin po lingid sa aking mga mata ang hangaring makakuha ng isang magandang regalo bilang kapalit ng aking piniling handog.

Masarap ang pagkain na nakahanda Ate Charo. Masaya ang lahat na pinagsaluhan ang kaunting pagkain hanggang sa aming kabusugan. At matapos nga ang kaunting salu-salo ay nagsimula nang magbunutan ng numero upang aming malaman ang aming maiuuwing regalo.

Bilang panimula ay naatasan akong unang bumunot. Puno ng kaba ang aking dibdib na kumuha ng naka-rolyong papel.

"Number 5" ang aking nabunot.

At aking ngang nakuha ang isang kuwadradong kahon na nakabalot sa isang puting papel na pang pasko. Natuwa naman ako sapagkat malaki ito ay may kabigatan. Sabik ko nang malaman kung ano ang laman nito, ngunit aming napagkasunduan na sabay sabay namin itong bubuksan kapag natapos nang makakuha ng regalo ang bawa isa.

Noong sandali pong iyon ay malalaman din namin kung kanino at sino ang nagbigay ng regalong aming nakuha. Si Kim pala ang nagbigay ng aking nakuha. Siya ay isang Intsik, maputi, may kahabaan ang buhok at may matinis na boses. 

Nagpatuloy pa ang pagpalitan ng regalo. Kung ako ang unang bumunot, ang aking regalo naman ay ang huling nakuha. Tila isang "Grand Prize" daw ito lalo pa't ito ay pinalamutian ng ginintuang pambalot.

Tulad ng napagkasunduan, sabay sabay naming binuksan ang aming nakuha.

Dagli kong pinunit ang papel na pinambalot, at aking nakita ang bulaklak na disenyo na kulay lila. Mayroon akong kaunting lungkot na nadama Ate Charo, ngunit akin na lamang nasambit sa aking sarili na "okay lang yan, at least hindi ka na bibili ng bagong bedsheet.."



Ang iba sa amin ay nakakuha ng "bath towels", malambot na tsinelas, "Starbuck Tumbler", "Body Shop Items", at kung anu ano pang magagandang gamit. Samantalang ako, BEDSHEET ang nakuha. Hindi ako bitter Ate Charo ngunit, bayolet kasi siya at me flowers eh..huhu


Tila napansin ata ng aking kasama ang aking reaksiyon at nagtanong siya sa akin,


"Athena, ano ang nakuha mo?" sambit sa aking ng Pilipinang ka-opisina.


"Ha?Yung nakuha ko?uhmmm eto oh..Bedsheet.." tahimik kong sinabi sa kanya sabay abot ng aking nakuha.


"Aaahhh..teka Bedsheet ba to..?" tanong naman niya sa akin.


"Oo..bakit hindi ba?" sagot ko naman.


"Parang hindi eh..pero Bedsheet nga ata.." sabi naman niya.


Tila napaisip nga ako at muli kong tiningnan ito. Mukhang hindi nga siya bedsheet Ate Charo. Muli akong kinabahan dahil tila iba nga ito sa aking unang inakala. Mayroong namuong pag-asa sa aking puso. Tinanggal kong muli ang plastik na nakabalot, at aking ngang napatunayan, hindi nga ito Bedsheet.



Opo Ate Charo, tama po ang inyong nakita.


"Ay hindi pala siya Bedsheet..PHOTO ALBUM pala.."


Mas masakit po pa lang malaman na isa itong PHOTO ALBUM. Hindi ko po lubos na matanggap na mayroon pa palang ganitong nakakaisip na iregalo. Maluha-luha kong na lamang niyakap ito habang dahang dahang umupo.

Sa aking pagkakatanda, ang Photo Album at Picture Frame ay matagal na pong na i-ban sa lahat ng aming Christmas Parties simula pa nung ako ay nasa elementarya.

Sadya po akong nalungkot sa mga nangyaring iyon. Nagsisisi po ako Ate Charo. Muli kong naisip na sana Bedsheet na lamang iyon at hindi Photo Album. Ngunit mapaglaro po talaga ang tadhana at mabilis nitong tinugunan ang aking kalungkutan noong inakala kong Bedsheet ito.

Wala na po akong nagawa. Pinilit kong ikubli sa aking sarili ang kalungkutang aking nadama. Sa kabila ng bawat ngiting aking binibitawan sa aking mga ka-opisina ay ang patuloy na pagnaig ng kurot sa aking puso.

Ngayon po ay patuloy pa din ako sa pagtanggap sa aking sarili sa aking kapalaran, ngunit nananatili po akong matibay sa kabila nito.

Kasalukuyan po akong naghahanap ng films ng Kodak at FujiFilm upang magamit sa lumang camera na aking naitabi noon. Naniniwala po kasi ako na sa kabila ng iPhones, iPads, DSLR Cameras, 3G at 4G na mga gadgets ngayon ay kaya kong makipagsabayan sa kanila.

Nawa'y mayroon pong natutunang isang mabuting aral ang inyong manunood sa aking payak na liham.

Lubos na gumagalang,

Athena



P.S.
Ate Charo, meron pa po bang nagpprint ng mga 3R, 4R at mga 5R na size na litrato?Refer nyo na lang po sa aking if may alam po kayo. Thanks girl!Nga pala, namiss ko yung lampara sa side table mo. hihi Ciao!


Tuesday, December 20, 2011

gunshot

i was shot..


yes dear..


and sariwa pa ang sugat..


i didn't expect it to happen..


anyway here is the story..

 

last Sunday, before going to the Simbang Gabi, i went to the mall with Shamcey, her cousin Leslie, and our Landlady Ate Che..i planned to look and buy for a gift for our upcoming mini Christmas Party/Exhange gift-giving activity sa office..

we looked around the mall to look for a something-to-use and unisex Christmas Gift..

since it's Christmas naman, and generous naman akong tao, i'm thinking to go beyond the 20-dollar gift value and instead, eto nalang bibilhin ko para maging masaya naman sila..

something that can be used..check..!!!

unisex..check na check...!!!

$20.00 minimun cost..check na check na check..!!!

chos!


after looking around, i finally decided to have these for my Christmas Gift..




since, i focus myself and keen towards environmental protection and preservation, pinili ko ang green (olive green in particular) na color para naman akmang akma sa aking legacy..hihihi

 
sinamahan ko na din ng Esprit na hand towel para if maglaway siya habang gamit ang pillow eh me pamunas siya..perfect combination di ba?hehe



after paying the 21.80-dollar gift (at least mas mahal sa agreed cost namin, san ka pa wala pang wrapper yan..dagdag cost din yun noh hihi), we left the the store and went around pa before leaving the place..

suddenly me nakita si Ate Che na shop na me strange-looking, tiboli tribe-member hip-hop girl..sabay lingon saken,


 
"Athena!pabutas tau tenga you want?!!"


owmaygash!


this is it!


sa mga hindi pa nakakaalam, nakadikit lang po yung earrings ko nung sumali ako ng pageant..wala pa talaga siyang butas..chos!


seriously, I have been planning ages ago na magpabutas talaga ng tenga..takot lang kasi ako hehehe..alam nyo naman, hindi ako sanay sa mga tusok tusok na ganyan..lels


confused na confused ako that time if igo-gow ko ba or hindi..takot kasi ako hihihi


"cge ako na muna papabutas, tapos sunod ka..papalagay kasi ako ulit ng isa pang butas eh.."


todo convince pa si Ate Che..


then the next thing i remember, hawak na ng tiboli tribe-member hip hop girl yung left ear ko..

pinaluguan ng alcohol/antiseptic..

tinuldukan ng marker..

tinutukan ng baril..

BANG..!!!


TADAAAAAHHHH,,..!!!

in fairness, hindi pala siya masakit hehe..mas nagulat pa ako sa tunog ng gun na ginamit kesa sa sakit..buti na lang hindi ako nahimatay..harhar

it has been 4 days since natuhog ang aking virgin na tenga..hihi and so far wala namang signs of any infections or whatsoever..

and so far i have been enjoying seeing it in my ear..mas lalo palang nakakaganda..char!

so sa mga magbibigay ng gift saken diyan, pwede nyo nang idagdag sa pagpipiliian itong mga to:






promise mga ganyang sizes lang ha, ayoko kasi ng masiyadong mabigat at masiyadong agaw pansin..alam nyo naman shy ako..

char!

Merry Christmas..!

Thursday, December 08, 2011

singapore sirena

last Saturday, we received a group message from Shamcey..

"girls, i wanna go swimming.."

abah, first time atang mag aya si Shamcey ng ganitong ganap..for the past months na magkakasama kaming tatlo, si Venus at ako ang laging nag aaya ng mga pasyal/ganap/paglalandi..

so, todo support naman kami ni Venus sa pagnanais ni Shamcey na isuot muli ang dala niyang costume ni Ariel sa Little Mermaid..and since si Shamcey ang nagisip ng ganap namin, we need to contribute something naman kaya in siya na rin ang pinilit naming magsponsor ng food..hihi

in fairness, sabik ata siyang makakita ng naka-trunks na lulur swimming pool na me waves kaya nag agree naman siya agad na manlibre ng 2 medium-sized pizza..hihi (salamat sis!)

to cut the story short, we agreed to meet and go swimming sa Jurong East (the place is near, Venus' area)..

since si Venus ay walang pasok at ako ay half day lang pag Saturdays, i went home agad after my work. I took a nap then before 6pm paalis na ako ng baluer dala ang costume ni Shamcey for swimming..me pasok kasi siya buong araw ng Saturday kaya ako na lang nagdala ng two-piece at Suntan Lotion kahit na gabi kami magsswimming..

It was around 6:30 na ang i was on the train na going to the place when suddenly, biglang dumilim ang kalangitan at nagbadya ng isang malakas na ulan..

and the next thing i remember, kumakanta na lamang ako ng Through the Rain ni ate Mariah Carey..


DISCLAIMER: This video is for illustration purpose only.. hindi ako yan noh!hihi

we are not actually sure if open yung pool with that kind of weather condition..but still we decided to push through with our major event of the year..chos! afterall, nakapagorder na daw pala si Venus ng pizza na pinadeliver sa venue..

so gora pa din kami..

it was 7:00pm na when we arrived at the venue, and guess what??

yes you are right..


"CLOSED DUE TO THE BAD WEATHER"


they have to close it daw for safety purposes..


halluer??!!


ambon??!!


safety??!!


ano yun bka pag naulanan kami eh mababasa kami while nasa pool??!!


chos!


we can go inside naman daw pero swimming is not anymore allowed..


so nagkaroon muna kami ng conference of beauties if papasok kami sa loob to wait for the pizza and kumain na lang without out bathing suits kasi di naman pwede maligo or wait for the pizza na lang then go home sa baluer at dun lafangin ang fudashey..

after ng Bi-cameral conference meeting ng mga Babaylan, we have come to a sad decision: wait for the pizza and go home sa baleur para kaninin nalang dun..

pero mukhang gusto talagang lumandi gumanap si Shamcey..after daw naming kumain eh gora kami ng bar na itatago natin sa pangalang Taboo hihihi..

since hindi kami mga kaladkaring babae ni Venus eh siyempre nag agree kami agad sa idea..kami pa!hehe

so while we are waiting for the pizza napansin namin na me mga nasa pool na ulit na naliligo..

we thought the pool was already closed??!!

takbo naman kami agad sa entrance to verify why me mga nasa pool..

mukhang narinig ng mga diwata ang aming mga pagsusumamo, it was opened ulit and pwede na daw magswimming until 9:30pm..so go naman kami agad!

pagkatapos naming magbihis ng kanya kanyang bathing suits eh, dumating na din ang pizza..hihihi

too bad wala masiyadong tao..wala pa ata kaming 10 sa pool eh..pero infairness iba't ibang lahi iyon noh..lahat nga lang sila nagtatagalog..hihihi

siyempre hindi mawawala ang official song ni Shamcey habang nagsswimming..



Disclaimer: Hindi rin po si Shamcey yan hihih

anyway, it was fun naman kahit wala kaming nakitang mga boys..we are very wholesome that night mga ateh..beauty queens ang mga peg namin nun hihi

here are some of the photos pala..
L-R: Venus, Shamcey, and yours truly Athena

Counterclockwise: ang pizza, ang pizza ulit, si Venus, ang bubong ng cottage, si Shamcey, and yung nipples ni Shamcey hihi!

sorry mga teh wholesome ang ganap namin..alam ko namang sabik kayo sa mga mahahalay na kwento..don't worry malapit na..chos!

hihi

Tuesday, December 06, 2011

I won!

"Athena Imperial bags 3rd Place on Miss Earth 2011 Beauty Pageant"



Yes dear readers, I won..

I am officially crowned as the Miss Water 2011..



Miss Water talaga ang aim kong kunin kasi gusto kong tulungan ang mga ibang nilalang sa ating bansa na tuyot na sa pagmamahal at pag aaruga..

ako na ang naitalagang magdidilig ng suka sa nanunuyo ninyong lumpia..chos!

Once again, Philippines proved to the world that we, Filipinas, have what it takes to showcase the best combination of beauty and brains..

and for my first project, I will be coordinating with Maynilad and Manila Waters to conduct my first-ever humanitarian project as Miss Water 2011..

this event willbe named as the Libreng Ligo Project..personally spearhead by yours truly, Athena..

and since I will also promote the Save Water Save Life Project, dapat sabay na sabay ang pagliligo and ako mismo ang mag scrub sa mga pipila for the project..

please note that this event will only be strictly for boys only, since sila ang mga mas madudumi..so sila ang target kong linisin..

chos!