For Part 1, click HERE
nasundan pa ng madaming beses na pagkikita ang nangyari sa pagitan namin ni Nurse Jay..
nasundan pa ng madaming beses na pagkikita ang nangyari sa pagitan namin ni Nurse Jay..
kung mayroon siyang bakanteng oras, ay nagkikita kami sa hapon pagkatapos ng trabaho ko at pagkatapos ng review niya..
kumakain ng dinner o kaya'y nag kakape sa Starbucks at nagkukuwentuhan ang aming palaging pinagsasaluhan sa tuwing kami ay nagkikita..
hinihintay ko na lamang ang pagkakataon na sa Sogo Hotel naman kami magkita..ngunit dahil dumadaloy pa din sa aking mga ugat ang dugong Maria Clara ay kinimkim ko na lamang ang pagnanais kong iyon..hihi
hinihintay ko na lamang ang pagkakataon na sa Sogo Hotel naman kami magkita..ngunit dahil dumadaloy pa din sa aking mga ugat ang dugong Maria Clara ay kinimkim ko na lamang ang pagnanais kong iyon..hihi
Nasa Greenwich Taft kami noon at patapos nang kumain, nang bigla siya naglabas ng isang kahon na nakabalot sa berde at puting pambalot..
"Engineer, eto para sa'yo.." sambit niya saken habang inaabot iyon.
"ha?ano to?bakit..?" tanong ko naman sa kanya.
"kasi di ba birthday mo last month eh hindi kita nabigyan ng regalo..kaya eto.." sagot niya.
"eeesshh..ikaw tuluguh!!i heyt shurprayshes eehh.."
hindi ko inaasahan ang biglaang paghaba ng aking kalbong buhok mga ate..siguradong mahihiya si Rapunzel sa haba ng hair ko nung gabing iyon..
halos isang buwan na kasi ang lumipas mula ng birthday ko kaya ikinagulat ko talaga ang regalo niya sa akin..
pagkauwi ko sa bahay ay dahan dahan kong binuksan ang regalo niya..iningatan ko pa ang pambalot na kanyang ginamit..at ito pala ang kanyang handog na binigay sa akin..
habang nilalagyan ko ng yellow na hair rollers ang aking hair ay agad akong nagtext sa kanya at muling nagpasalamat sa binigay nyang regalo.
"para sa'yo talaga yan Engineer..binili ko yan kasi ganyan din yung pabango ko..para lagi mo akong maalala.."
hooonggtttoorroooooyyy!!!
pati ata ung ingrown ko eh kinilig matapos kong basahin ang message niya..hihihi
nagpatuloy pa ang aming constant communication ni Nurse Jay kahit natapos na ang kanyang review sessions ng IELTS at umuwi na ng Bataan upang bumalik sa trabaho..
there was even a moment na para na kaming mag jowa dahil sa palitan namin ng mga matatamis na messages..
ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana ate charo, unti unti ring nabawasan ang text messages namin sa isa't isa..marahil ay palaging hindi nagtatagpo ang aming schedule..
lagi siyang pag gabi sa duty niya sa hospital, kaya't sa araw siya ay tulog maghapon..
ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin kami nawawalan ng communication..maya't maya ay nagpaparamdam pa rin thru text or thru facebook..
hanggang sa dumating na ang malungkot na balita sa akin..
tuloy na daw ang kanyang application sa Middle East..
nangilid ang luha sa aking kaliwang mata nung nalaman ko ang kanyang balita..
mas nalungkot ako kasi hindi pala waterproof ung mascarang nabili ko sa Sarah Lee..char!!
mas nalungkot ako kasi hindi pala waterproof ung mascarang nabili ko sa Sarah Lee..char!!
hindi ko na ito ikinagulat dahil simula't sapul pa lang nung kami'y magkakilala ay plano na talaga niyang mangibang bansa..
ngunit mayroon kurot sa puso mga teh..mashakit din pala..ouch!
masaya ako para sa kanya, dahil pangarap din kasi niyang mangibang bansa..at ako naman, bilang kanyang butihing kabiyak, ay sumusuporta lamang sa kanyang mga plano sa buhay..para san pa't at sa ikabubuti din ng aming pamilya ang kanyang gagawing sakripisyo..char!
ika-31 ng Disyembre ang kanyang pag alis ng bansa..dahil sa hindi pagtugma ng aming mga schedule ay hindi na namin nagawang magkita pa bago siya umalis..
nasa probinsya din kasi ako ng aming bayan sa Queenstown at kasama ang aking Royal Family kaya't wala ring chance na magkita kami sa Maynila bago siya lumisan..
itutuloy...
huwow! happy nako... ilabas muna ung third part. hongggharotttt naman nya, hoooooooonghabadabaduuuuuuuuu ng hairlocks china mu! hihihihi.
ReplyDelete